DTI, nanawagan sa publiko na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols
- Published on December 23, 2020
- by @peoplesbalita
NANAWAGAN ang Department of Trade and Industry (DTI) sa mga Christmas shoppers na huwag bumitiw sa pagsunod sa mga health protocols para hindi na muling sumirit ang bilang ng mga mahahawaan ng Covid-19.
Sa Laging Handa briefing sinabi ni DTI sec. Ramon Lopez, na kapag lalabas ng bahay ngayong holiday season ay dapat na laging magsuot ng face mask, face shield, sumunod sa physical distancing, maghugas ng kamay, mag-disinfect at iwasan ang pagtungo sa matataong lugar.
Aniya, inilunsad ngayong holiday season ng kanilang ahensya ang staysafeph app na ang layunin ay magabayan at maipaalam agad sa publiko ang mga lugar na may Covid positive o kayay may mga Na-exposed na mga indibiduwal.
Sa kabilang dako, hinikayat naman ng kalihim ang lahat ng private establishments pati na ang mga indiBidwal na pumapasok sa mga establisyimento na i-download ang StaySafePh sa mga cellphone, dahil Ito lamang aniya ang government owned at pinayagan ng IATF. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)
-
Philippine polymer banknote series, inilabas na ng BSP
IPINAGMAMALAKING ipakilala ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) ang First Philippine Polymer (FPP) Banknote Series. Ang FPP Banknote Series ay mayroong apat na denominasyon at nagtatampok ng “smarter, cleaner at stronger features.” Kabilang sa mga tampok na bagong uri ng salapi ay P500, P100, at P50 na domination. […]
-
Naging totoo lang sa kanyang nararamdaman: YASSER, inamin na nagkaroon ng pagtingin kay CLAUDINE
INAMIN ni Yasser Marta na nagkaroon siya ng pagtingin kay Claudine Barretto nang gawin nila ang GMA/Regal Entertainment series na “Lovers/Liars.” Ginawa ng Sparkle hunk ang pag-amin nang masalang sa “hot seat” ng programang “Sarap Di Ba?” nina Carmina Villarroel at mga anak nito na sina Mavy at Cassy Legaspi. Sa […]
-
Pang-5 housing project sa Maynila, sinimulan na
Inumpisahan na ang konstruksyon ng ikalimang housing condominium project sa San Andres Bukid, Maynila na layong mabigyan ng permanenteng bahay ang mga ‘informal settlers’ at nangungupahan sa lungsod. Sa kabila na bagong galing pa lamang sa COVID-19, sabak agad sa trabaho si Manila City Mayor Isko Moreno sa pangunguna sa ‘groundbreaking ceremony’ ng […]