• April 27, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DTI, suportado ang muling pagbubukas ng mga gyms sa Kalakhang Maynila sa Setyembre 30

SINABI ng Department of Trade and Industry (DTI) na suportado nito ang muling pagbubukas ng mga gyms sa Kalakhang Maynila pagkatapos ng Setyembre 30 o kahit pa manatili ang rehiyon sa ilalim ng COVID-19 alert 4.

 

Pinag-aaralan nang mabuti ng technical working group ang panukala ng DTI na lagyan ng cap ang indoor capacity ng gyms ng 20% at limitahan lamang ang paggamit nito sa mga fully vaccinated na tao.

 

“Sa Level 3 allowed po iyan. Ang pinag-uusapan na lang natin dito ay sa Level 4 ay kung maisama siya,” ayon kay Trade Secretary Ramon Lopez sa virtual press briefing ni Presidential spokesperson Harry Roque.

 

“Parang dine-in at personal care services na limitahan ang operation nito sa Level 4, para lang may continuity ang ating mga kababayan sa mga activities na masasabing hindi naman mapanganib, na mapapanatili ang safety,” dagdag na pahayag nito.

 

Ang 13 milyong katao sa Kalakhang Maynila ay nasa testing hanggang Huwebes ng 5-step COVID-19 alert system na may kasamang granular lockdowns.

 

Hanggang ngayon ay wala pa ring nakikitang data ang mga awtoridad na susuporta sa panawagan na ibaba sa alert 3 mula sa kasalukuyang alert 4 ang rehiyon.

 

“Bottom line po dito, this is essential and it will boost immunity. At iyong virus is here to stay, so we should manage how to function in a very safe manner that can save small businesses and jobs,” ayon kay Lopez.

Other News
  • Ads March 22, 2025

  • TANGGAPAN NG IMMIGRATION, SARADO PA

    MANANATILING sarado hanggang ngayon (Huwebes) ang tanggapan ng Bureau of Immigration (BI) sa Intramuros, Maynila para maipagpatuoy ng mga empleyado ng ahensiya na sasailaim sa rapid anti body test para sa COVID 19 virus.     Ayon kay BI Commissioner Jaime Morente na halos kalahati lamang sa 700 na empleyado ang nakapag-test nitong Lunes at […]

  • VP Robredo kontra sa panukalang pag-armas sa mga sibilyan

    Magiging delikado umano at malaki ang tsansa na maabuso ang planong pag-aarmas sa mga civilian volunteers.     Ito ang naging pagtaya ni Vice President Leni Robredo sa proposal ni Pangulong Rodrigo Duterte.     Sinabi ni Robredo na maraming mga insidente noong nakaraan na inaabuso ang nasabing pagdadala ng armas.     Maraming mga […]