DTI: Walang paggalaw sa presyo ng bilihin sa mga nasa State of Calamity
- Published on November 4, 2020
- by @peoplesbalita
SINABI ni Trade and Industry Secretary Ramon Lopez na awtomatiko ang price freeze sa mga lugar na nasa ilalim ng state of calamity dahil sa Bagyong Rolly.
“Unang-una, the Typhoon Quinta last week, so may mga state of calamity, so automatic price freeze doon sa mga calamity areas—Albay, Batangas, Oriental Mindoro, Marinduque,” saad ni Lopez sa isang panayam ng Dobol B.
“Tapos, yesterday, nag-declare na rin ang Cavite, o price freeze na rin tayo diyan,” dagdag nito.
Sakop nito ang mga pangunahing bilihin tulad ng mga de latang ulam, instant noodles, kape, at gatas.
Ang mahuhuling lumabag ay pagmumultahin ng aabot sa P2 milyon.
Dagdag nito na kahit walang tigil-galaw sa presyo ng mga bilihin, maigting na pinatutupad ang suggested retail price sa mga ito. (Ara Romero)
-
PDu30, tatalakayin sa kanyang successor ang problema ukol sa illegal na droga sa bansa
MAGDARAOS ng isang pulong o miting si Pangulong Rodrigo Roa Duterte sa kanyang successor para pag-usapan ang drug menace na patuloy na malaganap sa bansa. Sa kanyang Talk to the People, araw ng Martes, sinabi ng Pangulo na hihilingin niya sa susunod na Pangulo ng bansa na ipagpatuloy ang kanyang anti-narcotics drive dahil […]
-
2 pang games kinansela ng NBA dahil sa COVID protocols
Dalawa pang games ang kinansela ngayon ng NBA dahil sa COVID-19-related at contact-tracing issues. Ang laro sana mamaya sa pagitan ng Dallas Mavericks at New Orleans Pelicans ay ipinagpaliban muna. Maging ang matchup bukas ng Chicago Bulls at Boston Celtics. Una nang na-postpone rin ang ang game ng Miami Heat versus Boston […]
-
Duterte, itinalaga si Torres bilang bagong Nolcom commander
ITINALAGA ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte si Maj. Gen. Ernesto Torres Jr., dating Civil Relations Service of the Armed Forces of the Philippines (CRSAFP) chief, bilang bagong commander ng Northern Luzon Command (Nolcom). Pinalitan ni Torres si dating Nolcom commander, Lt Gen. Arnulfo Marcelo Burgos. Sa liham kay Department of National […]