DUGYOT NA VENDOR SA DIVISORIA, SUSUSPENDIHIN ANG PAGTITINDA SA MAYNILA
- Published on April 17, 2021
- by @peoplesbalita
HINDI pagtitindahin ang mga vendor sa lungsod ng Maynila na mahuhuling dugyot sa kanilang mga puwesto sa mga pampublikong pamilihan partikular sa Divisoria.
Alinsunod na rin ito sa kautusan ni Manila Mayor Isko Moreno Domagoso na panatilihin ang kaayusan at kalinisan sa mga palengke.
Napag-alaman na mismong ang Dagupan Outpost ng Moriones Tondo Police Station ang nagsuspinde ng Divisoria Night Market vendors mula C.M. Recto corner Juan Luna hanggang C.M. Recto corner Ilaya.
Ayon kay Domagoso, sinuspinde ng tatlong araw ang mga nasabing vendor dahil sa naiiwan umano nilang “cluttered waste” katulad ng hasang at kaliskis ng isda at mga plastik.
Sa loob aniya ng tatlong araw na pagkakasuspinde ng night market ay nagsagawa naman ng declogging operation ang Barangay 7 at inasistehan ng MPD-Dagupan Outpost sa pamumuno ni P/SMS Gerardo Tubera. “
Pinabalik din naman umano ang mga vendor sa Divisoria Night Maret matapos ang tatlong araw kung saan sila ay nangakong lilinisin na ang kanilang mga estasyon bago at pagkatapos ng oras ng pagtitinda upang mapanatili ang kalinisan at kaayusan dito, ayon sa alkalde.
Samantala, pinaalalahanan naman ni Tubera ang mga manininda sa nasabing night market na panatilihin nila ang kaayusan at kalinisan sa kanilang mga pwesto dahil hindi umano ito mangingiming suspendihin ang mga susuway sa nasabing polisiya. (GENE ADSUARA)
-
OLIVIA WILDE’S “DON’T WORRY DARLING” TO WORLD PREMIERE AT THE 79TH VENICE INTERNATIONAL FILM FESTIVAL
NEW Line Cinema’s “Don’t Worry Darling,” the highly anticipated second feature from director Olivia Wilde, is set to make its out-of-competition world premiere at the 79th Venice International Film Festival of La Biennale di Venezia, running from 31 August to 10 September, 2022. The announcement was made today by Alberto Barbera, Director […]
-
PCG personnel, libreng makakasakay sa LRT-2
MAGANDANG balita para sa mga Commissioned officers, enlisted personnel at civilian employees ng Philippine Coast Guard (PCG) dahil mae-enjoy na ng mga ito ang libreng sakay sa Light Rail Transit Line 2 (LRT-2). Sa isang Facebook post sinabi ng PCG na ang libreng sakay ay bahagi ng memorandum of agreement (MOA) na pinirnahan […]
-
PDu30, gumawa ng “tamang desisyon” nang ianunsyo na magreretiro na mula sa politika
SINABI ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na gumawa siya ng tamang desisyon nang ianunsyo niya na magreretiro na siya mula sa politika. Ang pahayag na ito ng Pangulo ay tugon sa bumabang satisfaction rating base sa pinakabagong Social Weather Stations (SWS) survey results. Makikita kasi sa SWS poll results na ang satisfaction rating […]