• March 26, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duque, bagong chairperson ng WHO Western Pacific regional committee

SA gitna ng mga kwestyon sa kanyang liderato, iniluklok bilang chairperson ng World Health Or- ganization (WHO) Regional Committee for Western Pacific si Health Sec. Francisco Duque III.

 

Nagkasundo ang 37-member states na ihalal si Duque para maging chairperson sa loob ng isang taon, kasabay ng pagbubukas ng kanilang 71st ses- sion ngayong araw. “The circumstances in which we meet this year are very different from last year when we came together to endorse the For the Future vision. Thank you for your continued commitment in implementing that vision in the time of COVID- 19, as we work together to adjust to a “new normal” and create a new future,” ayon sa kalihim.

 

Mandato ng komite na pamumunuan ni Duque ang pagbuo ng mga polisiya, mangasiwa ng mga programa, mag-report sa takbo ng kanilang mga proyekto, at magpanukala ng mga bagong inisyatibo.

 

Ang mga napagkasunduang resolusyon at desisyo sa naganap na session ang inaasahan na magsisilbing gabay sa magiging trabaho ng regional at country offices sa susunod na taon.

 

Kabilang sa mga agenda ay ang pandemic na coronavirus disease (COVID-19), vaccine-preventable diseases, pagbabakuna, abot- kayang surgical interventions at pro- gram budget para sa 2020-2023.

 

“Congratulations to our Chair, Honourable Secretary Duque from the Philippines. Secretary, thank you very much for taking on this important role in this difficult time. We all know there are many other demands on your time,” ani Dr. Takeshi Kasai, ang regional director ng WHO Western Pacific.

 

Kasama ni Duque bilang rep- resentative ng Pilipinas ang iba pang opisyal tulad nila DOH Usec. Mario Villaverde, Myrna Cabotaje; Food and Drug Admin- istration director general Eric Domingo, at mga directors na sina Maria Soledad Antonio, Napoleon Arevalo, Frances Role Mamaril, at Dr. Anna Melissa Guerrero.

 

Pati na si Dr. Celia Carlos ng Research Institute for Tropical Medicine; at Director Emma Sarne, Michelle Jayag at Kevin Mark Gomez ng Department of Foreign Affairs.

 

Magugunitang sangkot ang pangalan ni Duque sa kontrobersya ng katiwalian sa Philippine Health Insurance Corporation kamakailan.

Other News
  • ‘Wala munang pahalik ngayong taon’ – Quiapo Church

    Muling nagpaalala ang mga opisyal ng Quiapo Church na papalitan muna ngayong taon ang nakasanayang “pahalik” sa Itim na Nazareno. Ayon kay Fr. Douglas Badong, parochial vicar ng Quiapo Church, dahil isa sa pinanggagalingan ng virus ay ang paghawak sa isang bagay ay wala munang pahalik ngayong taon.   Imbes aniya na pahalik ay papalitan […]

  • Janella, nananahimik pa rin sa isyung buntis at sa UK manganganak

    HINDI pa rin tahasang umaamin at hindi rin naman nagde-deny sa kabila ng maingay naman na ang isyung buntis nga si Janella Salvador at ang ama ay ang boyfriend na si Markus Patterson.   Nasa U.K. ang mga ito ngayon na kung totoo naman talagang buntis, walang duda na doon na manganganak. At sa Instagram […]

  • Ginamit na campaign materials, maayos na itapon – DENR

    HINIKAYAT ni Department of Environment and Natural Resources (DENR) Acting Secretary Jim O. Sampulna ang mga kandidato ng  2022 national at local elections na linisin at itapon ng maayos ang kanilang campaign materials alinsunod na rin sa nakasaad sa Republic Act (RA) 9003 o ang Ecological Solid Waste Management Act of 2000.     “Win […]