Duque napaiyak sa pagdinig ng Kamara
- Published on August 19, 2021
- by @peoplesbalita
“Winawarak ninyo ang dangal ng Department of Health (DOH)!”
Ito ang sinabi ni Department of Health (DOH) Secretary Francisco Duque III sa Commission on Audit matapos na maging emosyonal at hindi mapigilan ang mapaluha sa pagharap nito sa pagdinig ng House Committee on Public Accounts kaugnay sa kinukuwestiyon ng Commission on Audit (COA) na P67.32 bilyong deficiency sa pandemic funds ng DOH.
Sinabi ni Duque na hindi winawaldas ng kagawaran ang pondo at tinitiyak nila ang pagsunod sa proseso.
Tiniyak din ng Kalihim na ang P67.32 bilyon ay nagamit at patuloy na ginagamit ng ahensya para sa COVID response ng pamahalaan.
Inihayag pa ni Duque na sa kabila ng mga pagbatikos ay walang humpay ang sakripisyo ng ahensiya sa pagtugon sa pandemya, sa pangangailangan ng mga health workers at maging sa mga COVID-19 patients.
“Mula no’ng Wednesday na lumabas po ito, hindi na po ako nakakatulog, ang mga kasama kong mga opisyal sa DOH, hindi na rin halos nakakatulog. Bakit ‘ka ninyo? Sa kahihiyan, we were bloodied and bludgeoned with this issue, and kung ganito nang ganito tayo, papaano tayo uunlad?” pahayag ni Duque.
Nilinaw naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kulang lang sila ng mga naisumiteng dokumento sa COA kaya kinakitaan ng deficiency.
Aniya, kinukumpleto pa nila ang mga dokumento para maisumite sa COA.
“Mula no’ng Wednesday na lumabas po ito, hindi na po ako nakakatulog, ang mga kasama kong mga opisyal sa DOH, hindi na rin halos nakakatulog. Bakit ‘ka ninyo? Sa kahihiyan, we were bloodied and bludgeoned with this issue, and kung ganito nang ganito tayo, papaano tayo uunlad?” pahayag ni Duque.
Nilinaw naman ni Health Undersecretary Leopoldo Vega na kulang lang sila ng mga naisumiteng dokumento sa COA kaya kinakitaan ng deficiency.
Aniya, kinukumpleto pa nila ang mga dokumento para maisumite sa COA. (Daris Jose)
-
Pagpatay sa 18-anyos na estudyante, nasaksihan ng sariling ina sa Malabon
LABIS na kalungkutan ang dinaranas ng isang 56-anyos na ina matapos matuklasan na ang sarili pala niyang anak na 18-anyos na lalaki ang biktima sa nasaksihang malagim na pagpatay sa Malabon City, Huwebes ng madaling araw. Nadiskubre ang walang buhay na katawan ni John Michael Legaspi, residente ng 258 Dulong Hernandez St. Brgy. […]
-
MIGUEL at YSABEL, pinaghandaan ang pagganap bilang Steve at Jamie; kumpleto na ang mga bida ng ‘Voltes V: Legacy’
KUMPLETO na ang limang bida ng Voltes V: Legacy dahil ini-reveal na last Wednesday ng GMA Network sa 24 Oras ang napiling magbibigay buhay kina Steve Armstrong at Jamie Robinson. Si Miguel Tanfelix nga ang napiling gumanap bilang Steve, ang Voltes team leader at piloto ng Volt Cruiser at si Ysabel Ortega naman […]
-
Ads February 8, 2020