• January 22, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duque: P290-M ang kailangan para maayos ang binagyong health facilities sa Bicol

Umapela ng pondo ang Department of Health (DOH) sa pamahalaan para sa pagsasa-ayos ng kanilang mga pasilidad at ospital sa Bicol region na sinalanta ng mga nagdaang bagyo.

 

Ayon kay Health Sec. Francisco Duque III, aabot sa P290-million ang kakailanganing pondo para maayos ang pinsalang idinulot ng sunod-sunod na bagyo sa kanilang mga pasilidad.

 

Kabilang na dito ang DOH-Center for Health Development-Bicol, Retained Hospitals at Treatment and Rehabiltation Centers, LGU Hospitals, Rural Health Units at Barangay Health Stations.

 

“One of the priorities is to repair the damage of isolation and quarantine facilities sa probinsya ng Albay, Camarines Sur, Camarines Norte aabutin ng P11.2-million,” ani Duque sa situatioin briefing kasama si Pangulong Rodrigo Duterte nitong Linggo.

 

“We need the money right away kasi this is a basic service thar needs immediate attention and repair is in order.”

 

Nakapamahagi na raw ang ahensya ng P40-million na halaga ng logistical assistance sa anim na probinsya ng rehiyon, pati na sa Naga City. Ilan sa kanilang ipinamahagi ay mga gamot, hygiene kits, at collapsable water containers.

 

Naambunan din ng tulong ng nasabing pondo ang mga pasilidad tulad ng Bicol Regional Training Teaching Hospital, Bicol Medical Center, at Bicol Region General Hospital and Geriatric Medical Center.

 

“Marami na rin tayong nagawa for post-disaster in areas of public health and medical services, nutrition complementing DSWD, and also water and sanitation hygiene services for affected communities, and mental health and psychosocial services.”

 

Tiniyak ng Health secretary na may sapat din na supply ng gamot ang rehiyon para sa mga binabantayang sakit tuwing panahon ng tag-ulan tulad ng leptospirosis, at iba pang communicable diseases.

 

Hinimok naman ni Pangulong Duterte ang mga ahensya ng pamahalaan na bilisan ang proseso ng paglalabas ng mga kailangang pondo sa pagbangon ng mga sinalanta ng mga nagdaang bagyo.

 

“Ang problema lang historically is that government moves slowly, especially the national government… So itong pangyayari, kung mabilisan ninyo, cut the time to something like half or more than.”

Other News
  • Miss Universe Philippines Chelsea Anne Manalo receives Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award

    CITY OF MALOLOS – The prestigious Natatanging Gintong Kabataang Bulakenyo award was recently bestowed upon none other than Chelsea Anne Manalo, the Philippines’ shining star in the recently concluded Miss Universe 2024 pageant during the Gawad Gintong Kabataan Awards held at The Pavilion in Hiyas ng Bulacan Convention Center here last Friday.     Aside […]

  • Tulak timbog sa P122K shabu sa Malabon

    Isang listed drug pusher ang arestado matapos bentahan ng P500 halaga ng shabu ang isang pulis na nagpanggap na buyer sa isinagawang buy bust operation sa Malabon city, kamakalawa ng gabi.   Kinilala ni Malabon police chief Col. Angela Rejano ang naarestong suspek na si John Efren Angel, alyas OG, 29 ng Kaingin II St. […]

  • NAKATANGGAP sina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Representative Toby Tiangco ng recognition

    NAKATANGGAP sina Navotas Mayor John Rey Tiangco at Representative Toby Tiangco ng recognition bilang 2023 Outstanding Public Servants mula sa RP-Mission and Development Foundation, Inc. (RPMD). Nagpasalamat naman ang Tiangco brothers sa kontribusyon ng mga opisyal at empleyado ng lungsod sa paghahatid ng dekalidad na serbisyo publiko at mga Navoteño sa kanilang matatag na pagtitiwala […]