Duque sa mandatory na pagsuot ng face shield: ‘We are guided by science and evidence’
- Published on December 18, 2020
- by @peoplesbalita
Dinepensahan ni Health Sec. Francisco Duque III ang utos ng Inter-Agency Task Force on Emerging Infectious Diseases (IATF-EID) na nagma-mandatong magsuot na ng face shield ang publiko sa lahat ng pagkakataon, lalo na kung nasa labas ng bahay.
“We are guided by science and evidence,” ani Duque sa press briefing nitong Miyerkules.
Inulan ng reklamo at kristismo mula sa ilang indibidwal at grupo ang paghihigpit pa ng pamahalaan sa paggamit ng face shield, sa gitna ng lumuluwag na panuntunan ng ibang bansa laban sa COVID-19.
Nakasaad sa IATF Resolution No. 88 na kakambal ng pagsusuot ng publiko sa face masks, ay ang pagsusuot din ng face shield kapag nasa pampublikong lugar.
“Whenever they go out of their residences, pursuant to the existing guidelines issued by the national government,” ayon sa Section 8 ng Omnibus Guidelines on the Implementation of Community Quarantine.
Iginiit ni Duque na mismong mga health experts at scientists ang nagsabi na 99% protektado sa banta ng COVID-19 infection ang sabayang pagsu-suot ng face mask, face shield, at pagsunod sa tamang distansya.
Pero ayon sa United States Centers for Disease Control and Prevention (US CDC), hindi nila inirerekomend ang pagsusuot ng face shield dahil wala pang malinaw na ebidensyang kaya nitong proteksyonan mula sa coronavirus ang indibidwal na magsusuot nito.
“Face shields have large gaps below and alongside the face, where your respiratory droplets may escape and reach others around you. At this time, we do not know how much protection a face shield provides to people around you.”
Sa kabila nito, umapela ang Health secretary sa publiko na panatilihin ang pagsunod sa minimum health standards para maiwasang mahawaan ng COVID-19 lalo na ngayong holiday season.
“Huwag tayo mapapagod kasi ang COVID hindi napapagod, hindi nagbabakasyon kapag Pasko at hindi natatakot kapag nagpaputok sa Bagong Taon.”
“Kapag hindi natin sinunod ang panuntunan ng DOH sa minimum health standard name-meligro ang ating pamilya.”
-
Newly installed Army chief LtGen. Sobejana tiniyak walang sundalong aabuso sa Anti-Terror Law
Tiniyak ni newly-installed Philippine Army chief Lt Gen. Cirilito Sobejana na hindi maaabuso ang bagong batas na Anti-Terror Law of 2020 sa ilalim ng kaniyang pamumuno. Ito’y sa kabila ng pangamba ng mga kritiko na mismo ang mga tagapagpatupad ng batas ang aabuso dito. Ayon kay Sobejana habang siya ang commanding general ng […]
-
Hirit na pagbuwag sa IATF, hindi maituturing na constructive criticism -Malakanyang
POLITIKA ang nangingibabaw na motibo para sa panawagang buwagin ang Inter-Agency Task Force (IATF). Hindi kasi makita ng Malakanyang na isang constructive criticism ang panawagang buwagin ang IATF. Kumbinsido si Presidential Spokesperson Harry Roque na pamumulitika ito lalo pa’t ang mga nananawagan at patuloy na pumupuna sa Task Force ay may kani- kanya […]
-
Jobless Pinoy sumipa sa 2.11 milyon
SUMIPA sa 2.11 milyong Pinoy ang walang trabaho noong buwan ng Mayo. Ito ayon sa Philippine Statistics Authority (PSA) ang pinakabagong resulta ng Labor Force Survey (LFS). Sinabi ni PSA chief Claire Dennis Mapa, ang 2.11 milyong jobless Pinoy noong Mayo ay mas mataas sa naitalang 2.04 noong Abril. Nagtala rin ang PSA ng 95.9 […]