• December 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DURA-DURA GANG ARESTADO

INARESTO  ng mga tauhan ng Manila Police District (MPD) ang apat na hinihinalang miyembro ng  Dura-Dura Gang nang dakpin ng mga pulis matapos na mambiktima ng mga pasahero ng isang pampublikong bus.

 

Ang mga naaresto ay sina Jayson Labanin, 26, ng Maganda Street, Sampaloc, Maynila; Mark Bactol, 30, ng V. Mapa St., Sta. Mesa, Maynila; Richard Moreno, 39, at Erwin Obemio, 36, kapwa ng Matimyas Street, Sampaloc, Maynila.

 

Dakong alas-7:30 ng gabi nang akyatin ng mga suspek ang isang pampublikong bus na patungo sa Liwasang Bonifacioat dahil pumalag ang mga pasahero, nagkaroon ng komosyon.

 

Agad na rumesponde sa insidente ang mga tauhan ng Lawton Police Community Precinct sa pangunguna ni PMaj Virgilio Platon dahilan para una nilang masukol ang mga suspek na sina Labanin at Bactol.

 

Itinuro naman ng mga suspek  ang kinaroroonan ng kanilang mga kasamahan kaya nagkasa ng follow-up operation ang mga pulis dakong alas-8 ng gabi sa may Blumentritt sa Sampaloc na nagresulta naman sa pagkakadakip nina Moreno at Obemio.

 

Una rito, nagkaroon pa ng komosyon  nag pumiglas ng isa sa suspek kaya nabitawan  ni  Platon ang kaniyang baril na aksidenteng pumutok at tinamaan siya ng bala sa kaliwang paa dahilan para isugod siya sa pinakamalapit na pagamutan.

 

Ayon sa pulisya, responsable  umano ang mga suspek sa insidente ng panghoholdap at pandurukot sa mga pasahero ng bus at jeep sa Maynila kung saan modus nila ang pagdura sa pasahero para mapatayo ito at kanilang madukutan.  Nahaharap ngayon ang apat na suspek sa kasong Robbery Hold-up sa Manila City Prosecutor’s Office. (GENE ADSUARA)

Other News
  • Pasabog ni Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng SAP, watusi lang- Sec. Roque

    WATUSI lang kung ituring ng Malakanyang ang alegasyon ni Senado Manny Pacquiao na may nawawalang P10.4 bilyon sa pondo ng Social Amelioration Program (SAP).   “Watusi po. Akala ko atom bomb ‘yon pala watusi. Wala po . walang kuwenta kasi puro generalized allegations po. Walang bill of particulars. Walang specific instance, walang ebidensiya, wala man […]

  • Odd-even scheme, bahagi ng opsyon para lutasin ang problema sa trapiko- MMDA

    IPINANUKALA ng Metro Manila Development Authority (MMDA) ang tatlong number coding schemes para malunasan ang matinding trapiko sa National Capital Region (NCR).     Sinabi ni MMDA general manager Romando Artes na ang paggamit ng odd-even scheme at modified number coding scheme, ay bukas sa kasalukuyang sistema na umiiral sa ngayon.     Sa ilalim […]

  • Higit 500 market vendors, nabigyan ng libreng COVID-19 swab test sa Quezon City

    Nakinabang sa ­libreng COVID-19 swab test ang may 549 vendors mula sa apat  na  private at public markets sa  Quezon City sa pakikipagtulungan ng  Project Ark.   Sa naturang pagsusuri, 1 percent o walong katao ang nagpositibo sa virus mula sa mga vendors sa Frisco, Tandang Sora, Philand Dr., at Balintawak Market. Ang mga ito […]