• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte dinoble ang insentibo ng mga SEA Games medalists

KAGAYA ng inaasahan, binigyan ni Pangulong Rodrigo Duterte ng cash bonus ang mga national athletes na nag-uwi ng 52 gold, 70 silver at 105 bronze medals mula sa nakaraang 31st Southeast Asian Games sa Hanoi, Vietnam.

 

 

Dinoble ng Presidente ang insentibong matatanggap ng mga SEA Games medalists sa ilalim ng Republic Act 10699 kung saan ang gold medal ay may katumbas na P300,000 at P150,000 at P60,000 para sa silver at bronze, ayon sa pagkakasunod.

 

 

“It is not really in the winning, but going there just to give a country an image. Maligaya ako na mada­ming medalya ang nakuha natin,” ani Duterte sa courtesy call ng mga Pinoy athletes sa Malacañang kamakalawa ng gabi.

 

 

Nangangahulugan na dodoblehin ng Chief Executive ang kabuuang P34,537,500 cash incentives na natanggap ng mga SEA Games winners mula sa Republic Act 10699.

 

 

Tumapos sa fourth  place ang Team Philippines sa Vietnam SEAG bagama’t malaking epekto sa performance ng mga atleta ang nangyaring pandemya.

 

 

“President Duterte was very pleased by the performance of our athletes in the last Vietnam SEA Games and doubling their incentives is his way of recognizing and sho­wing his appreciation for their efforts,” ani Philippine Sports Commission (PSC) chairman William ‘Butch’ Ramirez.

Other News
  • Chinese President Xi Jinping tinago ang coronavirus outbreak

    Tila nabulgar sa speech ni Chinese President Xi Jinping na hindi agad pinaalam ng China government na nagkakaroon na pala ng virus outbreak sa kanilang mga citizen, gayundin sa ibang bansa.   Sa February 3 speech ni Xi, sinabi nito na maagang umaksyon ang China para mapigilan ang pagkalat ng virus, na kalauna’y binansagang novel […]

  • Malakanyang, ipinatupad ang kautusan ng Ombudsman na suspendihin ang mga opisyal ng ARTA

    IPINATUPAD ng Malakanyang ang naging kautusan ng Office of the Ombudsman na ilagay sa anim na buwang preventive suspension ang mga opisyal ng Anti-Red Tape Authority (ARTA).     Isang  memorandum na may petsang Hunyo 7 at nilagdaan ni Executive Secretary Salvador Medialdea ang nagbibigay atas kay ARTA Deputy Director-General for Administration and Finance , […]

  • PUBLIKO PINAG-INGAT SA ONLINE SCAM

    KINUMPIRMA ng Philippine postal office o Philpost na isang scam ang isang quiz game na umiikot ngayon sa social media.     Sa post ng ahenya sa kanilang official page, binalaan nito ang publiko at sinabing hindi namimigay ng financial aid ang Philpost.     Dagdag ng ahensya maaaring magkaraon ng access ang mga scammers […]