Duterte-Duterte ticket sa Eleksyon 2022, walang pag-asa- Sec. Roque
- Published on August 27, 2021
- by @peoplesbalita
WALANG pag-asa na magkaroon ng Duterte-Duterte ticket sa Eleksyon 2022.
Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque kung pagbabasehan ang sinabi ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na ‘out’ na sila ni Senador Bong Go kapag nagdesisyon ang kanyang anak na si Mayor Sara Duterte-Carpio na tumakbo sa pagka-pangulo sa halalan sa susunod na taon.
“Well, unang una, I will quote the words of the President, dahil sinulat ko po ‘yan as he was speaking, I quote, “Kung tatakbo si Mayor Sara, Bong will not run for president. If Sara runs, out na rin ako because of this delicadeza. Hindi pupuwedeng dalawa kami diyan. So iyon po ang mga binanggit na salita ni Presidente. Iyong ipinakita po [kagabi] ay kung hindi nga tatakbo si Mayor Sara. But I think ang naging mensahe ng Presidente, it’s the call of Mayor Sara Duterte, if she runs, then Sen. Bong Go and he will not run,” litanya ni Sec. Roque.
At sa tanong kung kailan malalaman ang pinal na posisyon ng Pangulo sa usaping ito ay sinabi ni Sec. Roqu na depende na iyon kay Mayor Sara.
“But in the words of the President, if Mayor Sara decides to run, then she will be the candidate. At dahil nga po sa delicadeza, wala pong pag-asa ang Duterte-Duterte ticket,” aniya pa rin.
Samantala, tiniyak naman ni Sec. Roque na hindi makaaapekto ang mga election issues sa COVID-19 response ng pamahalaan.
Sa katunayan aniya ay tuloy-tuloy ang ginagawang pagbabakuna ng gobyerno.
Bukod pa sa tuloy-tuloy pa rin aniya ang pag-eengganyo ng pamahalaan sa lahat ng mga mamamayang filipino na “mag-prevention, detection, isolation, treatment, and reintegration.”
” So ibig sabihin po, bagama’t hindi natin mapo-postpone ang eleksyon dahil iyan po ay nakaukit sa Saligang Batas, tuloy-tuloy pa rin po ang ating COVID-19 responses. At ang pangako nga po natin, gagawin natin ang lahat para ma-achieve ang population protection by December of this year,” ayon kay Sec. Roque. (Daris Jose)
-
Kasama pa ang kanyang ina na si Esther Lahbati: SARAH, kabilang na rin sa mga Pinoy na may billboard sa New York
MAGPI-FINALE pa lang next week ang Mano Po Legacy: Her Big Boss, pero heto’t nag-launch na si Ken ng bago niyang single under GMA Music, ang “QuaranFling.” Obviously, inspired sa quarantine ngayong may COVID-19. At habang naka-quarantine nga, marami raw naging realization at the same time, achievement si Ken. “Kahit […]
-
Knott tuloy ang training
NOONG Agosto pa hu-ling sumabak sa aksyon si Fil-American sprinter Kristina Knott kung saan niya binasag ang 33-year old Philippine national record ni Lydia De Vega sa women’s 100-meter dash. Sa ‘Virtual Kumustahan’ ng Philippine Sports Commission (PSC) ay sinabi ni Knott na patuloy ang kanyang training sa Florida, USA bagama’t wala pang naitatakdang […]
-
Poll protest ni BongBong Marcos, ibinasura ng PET
GINAGALANG ng Malakanyang ang naging desisyon ng Korte Suprema na nakaupo bilang Presidential Electoral Tribunal (PET), na ibasura ang election protest na inihain ni dating Senador Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. laban kay Vice President Leni Robredo na may kaugnayan sa naging resulta ng 2016 race. “’Yan ay desisyon ng kataas-taasang hukuman, we respect that […]