• April 20, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Knott tuloy ang training

NOONG Agosto pa hu-ling sumabak sa aksyon si Fil-American sprinter Kristina Knott kung saan niya binasag ang 33-year old Philippine national record ni Lydia De Vega sa women’s 100-meter dash.

 

Sa ‘Virtual Kumustahan’ ng Philippine Sports Commission (PSC) ay sinabi ni Knott na patuloy ang kanyang training sa Florida, USA bagama’t wala pang naitatakdang athletics competition.

 

“As of the moment, there are no sprinting competitions here in Florida, but I’m able to do simple trainings now to get my body going,” sabi ng 24-anyos na 2019 Southeast Asian Games double-gold medalist.

 

Nagposte si Knott ng bilis na 11.27 segundo sa 2020 Drake Blue Oval Showcase sa Iowa noong Agosto para sirain ang dating 11.28 segundo ni De Vega at itayo ang bagong national record sa women’s 100m dash.

 

Isa si Knott sa mga atleta ng Philippine Athletics Track and Field Association (PATAFA) na nananatili sa US bukod kina sprinter Eric Shaun Cray, pole vaulter Natalie Uy at thrower William Morrison III.

 

Umaasa sina Knott, Cray, Uy at Morrison na makakakuha ng tiket para sa 2021 Olympic Games na gagawin sa Tokyo, Japan.

 

Itinakbo ni Knott ang mga gintong medalya sa women’s 200m run at sa 4x100m mixed relay event ng 2019 SEA Games noong Disyembre.

 

Plano ni PATAFA president Philip Ella Juico na ipasok sa training ‘bubble’ ang mga national athletes sa New Clark City sa Capas, Tarlac sa Enero.

Other News
  • LTFRB: Guidelines sa window hour scheme ng buses nilinaw

    Nilinaw ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board ang guidelines sa “window hour scheme” ng mga provincial buses sa gitna ng pagkalito sa pagpapatupad ng nasabing panuntunan.     Ayon sa LTFRB, maaari pa rin na magsakay ang mga provincial buses ng mga pasahero mula at papunta sa mga probinisya kahit lagpas na sa window […]

  • 60 milyong mga Filipino voters maglalabasan

    ISANG malaking hamon sa gobyerno ang paparating na May 9, 2022 national elections dahil dito ay siguradong maglalabasan ang may 60 milyong mga Filipino voters at pupunta sa kani- kanilang voting precints.     Sa Talk to the People ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte, araw ng Miyerkules, sinabi ni DILG secretary Eduardo Ano na ngayon […]

  • ‘Love the Philippines’ slogan mananatili – DOT

    SA KABILA ng mga pagbatikos sa ginawang promotional video, pananatilihin pa rin ng Department of Tou­rism (DOT) ang bagong slogan na ‘Love the Philippines’.     Kinumpirma ni Tourism Secretary Christina Frasco sa isang ambush interview sa 2022 Philippine Tourism Satellite Accounts and Tourism Statistics Dissemination Forum, nang tanungin kung patuloy na gagamitin ng DOT […]