• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte galit na sa iringan sa Kamara

NAGBANTA na si Pangulong Rodrigo Duterte sa Kongreso na kung hindi mareresolba ang iringan sa liderato sa House of Representatives na nagiging dahilan upang maipit ang panukalang P4.5-trilyon national budget para sa 2021 ay siya na ang kikilos.

 

Sa kanyang biglaang mensahe para sa bayan, sinabi ni Duterte na dapat maipasa ng legal at naaayon sa Konstitusyon ang pambansang pondo kung saan nakapaloob ang budget para sa COVID-19.

 

“Either you resolve the issue, sa impasse ninyo diyan and pass the budget legally and constitutionally, ‘pag hindi ginawa, ako ang gagawa para sainyo,” ani Duterte.

 

Sinabi rin ng Pangulo na huwag siyang idamay sa away dahil ang administrasyon niya ang sasalo sa hindi magandang nangyayari sa Kamara.

 

“Nakikiusap ako sa mga kasama ko sa gobyerno, yung hinalal lalo na, wag niyo na ako madamay. Ako gusto ko, kayo hindi. Diyan tayo magkaroon ng problema,” ani Duterte.

 

Nauna rito, ipinasa ng House sa ikalawang pagbasa ang panukalang batas pero agad ding sinuspendi ang sesyon hanggang Nobyembre 16 nang hindi naipapasa sa ikatlo at huling pagbasa upang maipasa sa Senado.

 

Sa Oktubre 17 pa dapat ang suspensiyon ng sesyon hanggang Nobyembre 15 base sa legislative calendar ng 18th Congress.

 

“If you do not solve the problem then I will solve the problem for you,” anang Pangulo sa Kongreso.

 

Sinabi pa ng Pangulo na hindi siya magbibigay ng timeline kung papaano reresolbahin ang isyu pero ipinunto na hindi dapat madamay sa girian ang serbisyo ng gobyerno. (Daris Jose)

Other News
  • Omicron kalat na sa 15 lugar sa NCR

    KALAT na ang Omicron variant ng COVID-19 sa 15 lugar sa Metro Manila base sa resulta ng ‘genome sequencing’ ng Department of Health (DOH).     Hindi naman tinukoy ni DOH Epidemiology Bureau director Dr. Alethea de Guzman ang mga partikular na lugar na nakitaan ng Omicron cases na kanya nang tinukoy na ‘dominant variant’ […]

  • Saso magaling, malakas na babalikwas sa 2021

    ISANG mas magaling at malakas na Yuka Saso ang babalik para sa 54th Ladies Professional Golf Association (LPGA) of Japan Tour 2021.   Ipinangako ito ng 19-anyos na bagitong top Philippine pro player kasunod nang pagmintis sa ibabaw ng Player of Year (Mercedes rankings) sa paglulunsad ng kanyang career sa mayamang region’s circuit na natapos nito […]

  • Japanese Boxer Naoya Inoue kumuha ng 2 Pinoy sparring mate

    KUMUHA  ng dalawang Filipino boxer para maging kaniyang sparring mate si Undefeated Japanese world champion Naoya “Monster” Inoue.     Ito ay bilang paghahanda sa unification fight niya kay Nonito Donaire Jr sa Hunyo 7, 2022 na gaganapin sa Japan.     Ang mga Pinoy boxers na kinuha ni Inoue ay sina Kevin Jake “KJ” […]