DUTERTE MAY NAITABI NG BUDGET PARA SA COVID-19 VACCINE –PALASYO
- Published on October 9, 2020
- by @peoplesbalita
NAKAPAGTABI na ang pamahalaan ng pondo para ibili ang 20 milyong mahihirap na Filipino ng vaccine laban sa Covid -19 kapag naging available at handa na ito bago matapos ang taon.
Sa isinagawa kasing dalawang araw na pagpupulong ng mga Executive Board ng WHO, sinabi ni WHO Director-General Tedros Adhanom Ghebreyesus na kakailanganin ng buong mundo ang bakuna at umaasa silang magagawa na ito bago matapos ang taong kasalukuyan.
“Naitabi na po natin ang budget para sa pagbili ng COVID- 19 vaccine. Alam na natin ang mekanismo,” ayon kay Presi- dential Spokesman Harry Roque.
“Bibili po tayo ng dosage, 2 dosage para sa 20 million na pinakamahirap nating mga kababayan. Mauuna po ang mga mahihirap,” dagdag na pahayag ni Sec. Roque.
Ang Philippine International Trading Corp ang bibili ng vaccine, na popondohan naman ng LandBank at Development Bank of the Philippines.
Naglaan ang pamahalaan ng initial na budget na P2.4 billion para sa COVID-19 vaccines, ayon Department of Health.
Samantala, tinatayang nasa 9 na ang experimental vaccine na inaantabayanan ngayon ng WHO-led COVAX global facil- ity kung saan oras matapos ito ay target nilang maipamahagi agad ang 2 bilyong doses sa iba’t ibang bansa sa mundo bago matapos ang taong 2021. (Daris Jose)
-
Gobyerno, handa na kay ‘Mawar’
TINIYAK ng administrasyong Marcos sa publiko na naghahanda na ito para sa posibleng epekto ng tropical storm Mawar, partikular na sa mga rehiyon ng Ilocos at Cagayan Valley. Sa press briefing sa Malakanyang, sinabi ni Social Welfare Secretary Rex Gatchalian na inihanda na ng kanyang departamento ang mga goods o kalakal sa iba’t […]
-
Nakaka-relate dahil galing din sa broken family: ZAIJIAN, ramdam ang nerbyos at pressure sa bagong role
AMINADO si Zaijian Jaranilla na may naramdaman siyang nerbyos at pressure dahil sa role niya bilang Gio Ilustre, ang solong anak nina Jodi Sta. Maria at Zanjoe Marudo sa upcoming ABS-CBN drama series The Broken Marriage Vow, which premieres on January 22 on iWantTFC and January 24 on Kapamilya Channel, TV5, A2Z, Kapamilya Online Live, and […]
-
ALJUR, umaming nagkaproblema sila ni KYLIE pero ginawa ang lahat para magkaayos
NAGSALITA na si Aljur Abrenica tungkol sa estado ng relasyon nila ng kanyang misis na si Kylie Padilla. Ilang buwan na kasing pahulaan ang netizens kung sila pa ba o hiwalay na sila sina Aljur at Kylie. Base kasi sa mga post nila sa Instagram, walang photo si Aljur sa account ni […]