Duterte, nanawagan sa United Nations
- Published on September 24, 2020
- by @peoplesbalita
Nanawagan si Pangulong Rodrigo Duterte ng pantay na pag-access sa COVID-19 vaccine.
Sa kanyang virtual speech sa United Nations General Assembly (UNGA), sinabi nito habang maraming bansa ang nagkukumahog na makagawa ng bakuna laban sa COVID-19 ay dapat maging available ito sa mga mahihirap na bansa gaya ng Pilipinas.
Dapat ring maikonsidera itong “global public good.”
Mahalaga aniya ngayon na magtulong-tulong ang mga bansa para malabanan ang coronavirus pandemic na nananalasa sa buong mundo.
“The world is in the race to find a safe and effective vaccine,” pahayag pa ng Pangulo sa kanyang 20 minuto na talumpati. “When the world finds that vaccine, access to it must not be denied nor withheld. It should be made available to all, rich and poor nations alike, as a matter of policy.”
“The Philippines joins our partners in the ASEAN and the Non-Aligned Movement in raising our collective voice: the COVID-19 vaccine must be considered a global public good. Let us be clear on this,” dagdag pa ng Pangulong Duterte. “The Philippines values the role that the United Nations plays in its fight against the pandemic. As a middle-income country whose economic advances have been derailed by the pandemic, we welcome the launch of the UN COVID Response and Recovery Fund,”
Samantala ang 75th session ngayon ng UNGA ay merong tema na, “The Future we want, the United Nations we need: reaffirming our collective commitment to multilateralism – confronting COVID-19 through effective multilateral action.”
Ang mga world leaders ay inabisuhan na magpadala ng kanilang pre-recorded videos at mga talumpati para i-broadcast ito ng live mula sa UN headquarters sa New York.
Ang UNGA ang siyang pangunahing deliberative body ng United Nations kung saan ang lahat ng 193 na mga bansa ay may kumakatawan. (Daris Jose)
-
PBBM, itutulak ang mas maraming buwis, military pension reform
UMAPELA si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. sa Kongreso na suportahan ang mga priority legislations kabilang na ang tax measures at ang reporma sa military pension. Sa kanyang pangalawang State of the Nation Address (SONA) sa Batasang Pambansa, Lungsod ng Quezon, nanawagan ang Pangulo sa mga mambabatas na isulong ang tax measures sa ilalim […]
-
3×3 BASKETBALL TOURNEY, SABAY SA 45TH PBA OPENING
UPANG mapataas ang ranking ng Pilipinas sa 3×3 basketball, pasisimulan ng Philippine Basketball Association (PBA) ang 3×3 tournament sa pagbubukas ng 45th season ng liga sa Marso 8. Sinabi ni PBA Board Vice Chair at Columbian Dyip Governor Demosthenes Rosales, maliban sa kasalukuyang 12 PBA teams, magkakaroon din ang Mighty Bond at Dunkin Donuts […]
-
DSWD: 3M pangalan kinalos sa SAP beneficiaries
Nagtanggal ng nasa tatlong milyong pangalan ang Department of Social Welfare and Development mula sa listahan ng Social Amelioration Program beneficiaries na makatatanggap sana ng second tranche ng ayuda. Ayon kay DSWD Undersecretary Glen Paje tinanggal ang mga pangalan dahil sa iba’t ibang rason tulad ng: · double listing; · nakatanggap na ang […]