Pitong NBA players, positibo sa Covid
- Published on June 25, 2020
- by @peoplesbalita
Pitong NBA players, kasama si Denver Nuggets All-Star center Nikola Jokic, ang nagpositibo sa coronavirus o mas kilala sa tawag na Covid-19.
Tanging si Jokic lang sa pitong manlalaro ang pinangalanan sa mga nagpositibo at ngayo’y naka-quarantine sa Serbia, ayon sa ulat.
Bukod kay Jokic, dalawa pang miyembro ng Phoenix Suns ang naitalang tinamaan din ng virus ayon sa NBA.
Sinabi naman ni ESPN reporter Adrian Wojnarowski sa kanyang tweet na apat na miyembro ngWestern Conference playoff team ang nagpositibo sa Covid noong isang linggo. Hindi rin niya ito pinangalanan.
Nakatakdang mag-restart ang season ng NBA sa susunod na buwan kungsaan 22 sa 30 team ang sasabak sa Walt Disney World Resort sa Orlando, Fla. Sisipa ang training camps sa July 11.
Nakatakdang bumalik si Jokic sa Denver ngayong linggo.
Ayon sa ESPN, asymptomatic na ngayon Jokic simula ng magpositibo noong isang linggo at inaasahang bibigyan na ng travel pass papuntang Denver.
-
Taas-sahod pinamamadali
DAPAT madaliin ng pamahalaan ang pagtataas ng sahod ng mga manggagawa sa gitna ng sumisirit na presyo ng gasolina, pagkain at pang araw-araw na pangangailangan, ayon kay dating Senador Jinggoy Estrada. Bagama’t inutos na ni Labor Secretary Silvestre Bello III sa mga regional wage boards na agad pag-aralan ang panukalang angat-sahod, sinabi ni […]
-
DEEP INSIDE MY HEART (Chapter 29) Story by Geraldine Monzon
HINDI makapaniwala si Andrea na mabibigo siyang makita si Janine sa kauna-unahang pagkakataon. Hindi niya maihakbang ang mga paa patungo sa loob ng chapel kung saan nakalagak ang labi ng kaibigan. Hinayaan na lang niya na itago ng mga patak ng ulan ang kanyang mga luha. Sa gitna ng hindi niya mapigilang pag-iyak ay […]
-
Mga simbahan, inirekomenda para maging COVID-19 vaccination site
Ikinokonsidera na rin ng National Immunization Technical Advisory Group (NITAG) ang panukala ng Catholic Bishops’ Conference of the Philippines (CBCP) na gamitin ang mga simbahan bilang COVID-19 (Coronavirus Disease 2019) vaccination site. Ayon kay DOH (Department of Health) Usec. Maria Rosario Vergeire, sa huling meeting nila ay inirekomenda ng NITAG ang mga simbahan […]