• October 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte nasaksihan ang hagupit na iniwan ni ‘Ulysses’sa Cagayan

Tiniyak ni Pangulong Rodrigo Duterte ang agarang tulong ng pamahalaan sa mga nasalanta ng pagbaha dulot ng Bagyong Ulysses sa Region 2.

 

Sa kanyang pagdalaw sa Cagayan, agad nagsagawa ng aerial inspection ang pangulo at nakita niya ang nararanasang paghihirap ng mga mamamayan sa lalawigan na labis na naapektuhan ng pagbaha.

 

Layunin ng aerial inspection ng pangulo kasama sina Senador “Bong” Go, Labor Sec. Silvestre Bello III, Department of Public Works and Highways Sec. Mark Villar at iba pang opisyal ng pamahalaan, na malaman ang buong pinsalang idinulot ng malawakang pagbaha sa lalawigan ng Cagayan.

 

Ayon sa Pangulo, nagbigay na ng paunang tulong ang Department of Social Welfare and Development sa mga naapektuhan ng pagbaha sa Region 2 bukod pa sa tulong ng mga local government unit at non-governmental organization.

 

Samantala, nagpahayag ng kalungkutan ang pangulo sa tinamong pinsala ng rehiyon partikular na ang Cagayan.

 

Nagpaabot din siya ng pakikiramay sa pamilya ng mga nasawi at naging biktima sa malawakang pagbaha na iniwan ng Bagyong Ulysses.

 

Sa kabila nito , makakaasa aniya na magpapatuloy at sisiskapin ng pamahalaan na matiyak ang kaligtasan ng bawat pamilyang nanatiling lubog pa rin sa baha.

 

Sa kabilang dako, nagpahayag din ng suporta ang pangulo sa kampanya ng mga kinauukulan laban sa illegal minning at illegal logging sa lambak ng Cagayan.

 

Hinikayat nito ang mga local executives na makipagtulungan sa binuong task force para sa rehablitation upang maibalik agad sa normal na pamumuhay ang mga naapektuhan ng pagbaha. (ARA ROMERO)

Other News
  • Hinihintay naman kung kailan mabubuntis si Maine: RIA, isinilang na ang baby boy nila ni ZANJOE

    KINUKUHA na raw ng kanyang namayapang ina ang cardiologist at tinaguriang Doktor ng Bayan na si Dr. Willie Ong na nakikipaglaban ngayon stage 4 sa sarcoma o abdominal cancer.     Pero ayon pa kay Doc Willie na kung talagang oras na para siya’y magpaalam ay maluwag niyang tatanggapin.   Ito ang ibinahagi ni Dr. […]

  • Go, nangakong muling ihahain ang batas na magbabalik sa death penalty para sa ilegal na droga, pandarambong

    HANDA si Senador Christopher “Bong” Go na muling ihain ang batas na magbabalik sa death penalty para sa ilegal na droga at pandarambong sa susunod na Kongreso.     Matatandaang isinulong ni Go ang Senate Bill No. 207, na naglalayong muling ibalik ang death penalty, noong Hulyo 2019.     Subalit, nabigo namang maipasa ang […]

  • Parang mag-bf-gf noon na bawal makita sa labas: CLAUDINE, forever grateful kay JUDY ANN at dream na magkasama sa pelikula

    SA guesting ni Claudine Barretto sa “Fast Talk with Boy Abunda” noong Biyernes, May 5, napag-usapan nila ni Boy Abunda ang pagkakaibigan nila ni Judy Ann Santos.     Bago ito, natanong muna ni King of Talk, na pangarap ng marami na magkasama sila sa isang pelikula o teleserye.     Sagot ng aktres, “Oh […]