Gallego, Asuncion lumundag sa ‘NC’
- Published on September 3, 2020
- by @peoplesbalita
MAGIGING leon na ang dating bulldog, samantalang isa pang tigre ang magiging cardinal.
Parang mga tipaklong na naglulundagan ang dalawang basketbolista ng University Athletic Association of the Philippines (UAAP) papuntang National Colleagite Athletic Association (NCAA).
Pinakabagong tumalon nitong Martes sina National University Bulldog starter John Vincent ‘JV’ Gallego na umentra ng San Beda University Red Lions, at University of Santo Tomas Growling Tiger Jun Asuncion na pumasok sa Mapua University Cardinals.
Nagsabi na nitong linggo ang 5-foot-10 guard sa Bulldogs palisan ng Bustillos patungong Mendiola, habang mula España pa-Muralla na ang destinasyon ng 21-anyos, may taas na 6-2 gunner at incoming sophomore na si Asuncion.
Si Asuncion na na ikalimang manlalaro ni Tigers coach Aldin Ayo na kumalas sa pagkawasak ng koponan makaraan ang Sorsogon bubble. Unang tumawid sa University of the Philippines Fighting Maroons si Crispin John ‘CJ’ Cansino. Sumunodrin sina Rhenz Abando, Ira Batallet at Brent Paraiso. (REC)
-
Mga dating OFW mula sa Saudi Arabia makakatanggap ng tig-P10,000 mula sa gobyerno
MAKAKATANGGAP ng tig-P10,000 na tulong ang mga nasa 10,000 na dating overseas Filipino workers (OFW) sa Saudi Arabia na hindi pa nakukuha ang kanilang mga sahod mula sa kanilang mga amo. Ayon kay Depatment of Migrant Workers (DMW) Secretary Susan Toots Ople na ng financial package ay mula sa pagitan ng ahensiya at […]
-
Nakapaninibago at aminadong may konting takot: PAULO, malungkot na masaya sa premiere ng movie nila ni JANINE
PAREHONG batikang director ang may hawak ng Pinoy adaptation ng hit Korean drama na Start Up na sina Direk Dominic Zapata at Direk Jerry Sineneng. Dito pa lang, alam mo na espesyal ang Start-Up para bigyan ng dalawang mabibigat na director. Ayon kay Direk Jerry, “perfect casting” daw ito. Mula kina […]
-
Pagkakawatak-watak ng PDP-Laban pabor sa oposisyon
Ang pagkakawatak-watak ng ruling party na PDP-Laban ang makakatulong sa oposisyon sa 2022 national at local elections. Sinabi ni Senate Minority Leader Franklin Drilon, stalwart ng LIberal Party (LP), inaasahan na niya na patatalsikin si Sen. Manny Pacquiao bilang PDP-Laban president sa darating na national assembly sa Hulyo 17 ng partido. […]