Duterte, negatibo sa drugs
- Published on November 6, 2024
- by @peoplesbalita
ITO ay batay sa ipinalabas na resulta ng tanggapan ni Davao City Rep. Paolo Zimmerman Duterte sa isinagawang hair follicle drug test ng Hi-Precision Diagnostics Center na ginawa noong Oktubre 23, 2024.
Ang test na kilala bilang “Hair 7 Drug Panel Test,” na ginawa sa nakuhang hair sample mula sa mambabatas, ng Omega Laboratories, isang certified testing facility.
Kasama sa naging screening ang ilang drugs tulad ng Amphetamine, Methamphetamine, Cocaine/Metabolites, Opiates, Extended Opiates, Phencyclidine (PCP), THC Metabolite (Marijuana), at Benzodiazepines.
Lahat ng ginawang pagsusuri ay lumabas na negatibo, na nagpapakita na wala ni isa sa mga naturang substances ang nakita sa sistema ni Duterte.
Nakalagay sa official document, na may petsang October 28, 2024, na sinertipikahan ng Hi-Precision Diagnostics, ang ginawang screening process gamit ang advanced techniques tulad ng ELISA (enzyme-linked immunosorbent assay) para sa initial testing at GC/MS (gas chromatography/mass spectrometry) o LC/MS/MS (liquid chromatography/tandem mass spectrometry) para sa confirmation. (Vina de Guzman)
-
Mga jeepneys na hindi sumali sa PUVMP, huhilin simula May 1 bilang colorum units
SIMULA May 1 ay manghuhuli na ang Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB) ng mga colorum na jeepneys na hindi sumali at lumahok sa Public Utility Vehicle Modernization Program (PUVMP) ng pamahalaan. Ayon kay LTFRB chairman Teofilo Guadiz na may 79 porsiyento ng mga public utility vehicles (PUVs) sa buong bansa ang […]
-
Double pay para sa mga manggagawang papasok tuwing regular holidays ngayong Abril, ipinag-utos ng DOLE
IPINAG-UTOS ng Department of Labor and Employment (DOLE) sa mga employers na ibigay ang double pay ng mga manggagawa na papasok sa trabaho sa mga araw na idineklaang regular holidays ngayong buwan. Ayon kay Labor Secretary Silvestre Bello III ang mga empleyado na papasok sa regular holidays sa Abril 9,14 at 15 ay […]
-
Dwight Howard tiniyak ang tulong sa mga biktima ng lindol sa Taiwan
Tiniyak ni dating NBA star Dwight Howard na tutulungan niya ang Taiwan matapos na tamaan ito ng malakas na paglindol. Si Howard ay kinuha ngayon ng Taoquan Leopards ng Taiwan Basketball League mula pa noong 2022. Naglabas ito ng video kung saan tiniyak niya sa mga mamamayan ng Taiwan na tutulungan niya ang […]