• December 12, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte sa DENR: Illegal mining sa Cagayan imbestigahan

Pinaiimbestigahan ni Pangulong Rodrigo Duterte kay Enrivonment Secretary Roy Cimatu ang umano’y illegal mining na dahilan ng malawakang landslides at pagbaha sa kasagsagan ng bagyong Ulysses sa lalawigan ng Cagayan at Isabela.

 

Ito ang ipinag-utos ni Duterte sa ginanap na situation briefing sa Cagayan kung saan maaa­ring ang talamak na mi­ning activities umano sa nasabing lalawigan ang dahilan ng pagguho ng mga lupa, kaya nagkakaroon ng landslide doon lalo na tuwing malakas ang buhos ng ulan.

 

“Kapag maraming butas, maraming tubig na pumapasok sa loob ng lupa. That’s why, kapag ano… landslide. It loosens the soil. So kaya ang mi­ning, maraming butas, yan ang i-control mo,” utos pa ng Pangulo kay Cimatu.

 

Inatasan din ni Duterte ang kalihim na mag-inventory para makita kung maraming butas ang lupa kung saan dito pumapasok ang maraming tubig dahilan para lumambot.

 

Tugon naman ni Cimatu, base sa kanyang natanggap na ulat, may 10 indibidwal ang nasawi dahil sa landslides sa kasagsagan ng bagyo, kaya iprinisinta rin niya ang hazard map.

 

Sa hazard map nakikita umano ang mga lugar kung saan hazard prone para sa landslide at kung saan nangyari ang mga pagbaha.

 

Paliwanag naman ng kalihim walang permit na ibinigay para magmina sa nasabing lugar maliban na lamang sa small scale mining kaya maituturing itong illegal.

 

Sinabi pa ni Duterte, na illegal mining ang dahilan kung saan karamihan ay nasawi kaya dapat sampahan ng kaso at maglabas ng cease and desist order para sa mga taong nasa likod nito.

 

Nauna na ring pinaim­bestigahan ni Duterte ang umano’y quarrying ope­rations sa Guinobatan, Albay na nirereklamo ng mga residente doon matapos silang hagupitin ng bagyong Rolly.

 

Kaagad namang sinuspinde ni Cimatu ang quarrying operations sa Guinobatan matapos ang bagyong Rolly nang ma­diskubre na bumababa ang tubig-baha mula sa dalisdis ng Bulkang Ma­yon at dumadaan sa tatlong ilog kung saan mayroong 11 quarrying operations. (Bishop Jesus “Jemba” M. Basco)

Other News
  • Naging bahagi ng buhay niya ang historical landmark: REGINE, isa sa nalungkot sa pagkasunog ng Manila Central Post Office

    ISA ang Asia’s Songbird na si Regine Velasquez sa naisip namin habang nasusunog ang Manila Central Post Office noong Lunes.       Bukod sa siyempre, isa na itong historical landmark ng bansa.       Ang movie ni Regine with Richard Gomez ay napakaraming scene na kinunan sa MCPO, though, marami rin Pinoy movies […]

  • MARIANO, GINEBRA LALAPIT PA SA TITULO

    Lagay ng best-of-seven series: Lamang ang Barangay Ginebra San Miguel sa TNT, 2-0     Resulta ng serye: Game 1 nitong Linggo, Nobyembre 29: Barangay Ginebra San Miguel 100, TNT (94 (OT) Game 2 nitong Miyerkoles , NDisyembre 2: Barangay Ginebra San Miguel 92, TNT 90     Game 3 ngayong Biyernes, Dis. 4: (AUF […]

  • NU inangkin ang Cheerdance title

    BUMALIK sa pedestal ang National University Pep Squad matapos tanghaling kampeon sa katatapos na UAAP Season 87 Cheerdance Competition na ginanap sa SM Mall of Asia Arena, kahapon.       Sinaksihan ng mahigit na 19,121 fans, ipinakita ng NU ang kanilang tikas sa routine at kumpiyansa sa paghagis ng kanilang mga dancers sa ere […]