MARIANO, GINEBRA LALAPIT PA SA TITULO
- Published on December 4, 2020
- by @peoplesbalita
Lagay ng best-of-seven series:
Lamang ang Barangay Ginebra San Miguel sa TNT, 2-0
Resulta ng serye:
Game 1 nitong Linggo, Nobyembre 29:
Barangay Ginebra San Miguel 100, TNT (94 (OT)
Game 2 nitong Miyerkoles , NDisyembre 2:
Barangay Ginebra San Miguel 92, TNT 90
Game 3 ngayong Biyernes, Dis. 4: (AUF Sports Arena)
6:00 n.g. – Barangay Ginebra San Miguel vs. TNT
AMINADO si Earl Timothy ‘Tim’ Cone na nangamote ang first five niya sa Game Two ng 45th Philippine Basketball Association (PBA) Philippine Cup best-of-seven title showdown sa TNT nitong Miyerkoles sa Angeles University Foundation Sports Arena and Cultural Center sa Pampanga.
Pero masuwerte naikampay pa rin nina Aljon Mariano at Earl Scottie Thomson ang Barangay Ginebra San Miguel, 92-90, para sa 2-0 lead na race-to-four win playoffs.
“Scottie was struggling, LA (Lewis Alfred Tenorio) was struggling, for a while Stanley (Pringle) was struggling but of course he exploded. Japeth (Paul Aguilar) was struggling, so … the whole first group, the core really struggled coming out of the game,” bulalas ng Gin Kings coach. “Aljon’s contribution was exceptional.”
Nanalasa si Mariano para ikampay ang Ginebra sa mahirap na panalo at may pagkakataong ngayong Biyernes ng alas-6:00 nang gabi na itarak ang 3-0 bentahe papalapit sa kampeonato ng import-less o all-Pinoy conference
Nag-shoot ng second career-best at highest output sa crowd favorite squad na 34 points s si Pringle bagama’t 10 of 21 sa field. Off the bench, nag-alsa si Mariano ng 20 markers para parehasan ang career-best na apat na beses na niyang iitinatala.
Ang pagsenglot ng lak sa Tropang Giga ang pangatlong sunod na sa torneong ito, kabilang ang sa eliminations. Kaya kailangang masgising ni wifi bench tactician Ferdinand ‘Bong’ Ravena Jr. ang kanyang mga bataan upang makahirit at iwas sa napipintong pagwalis sa kanila.(REC)
-
UFC mma veteran Elias Theodorou pumanaw na, 34
PUMANAW na ang dating UFC mixed martial arts veteran Elias Theodorou dahil sa cancer sa edad 34. Mayroong record itong 19 panalo at tatlong talo bilang professional mixed martial arts sa world’s premirer MMA organization. Noong 2014 hanggang 2019 ng makapasok ito sa UFC ay mayroong record siya na walong panalo […]
-
Isko, Lacson, Ka Leody, Sotto tanggap na ang pagkatalo
NAG-CONCEDE na kahapon ang mga kumandidatong presidente ng bansa na sina Manila Mayor Isko Moreno, Senator Panfilo “Ping” Lacson, labor leader Leody de Guzman at ang tumakbong bise presidente ni Lacson na si Senate President Vicente “Tito” Sotto III. Sa pamamagitan ng post sa Twitter, sinabi ni Lacson na pamilya naman niya ang […]
-
PBBM, inalala ang kabutihan at kagandahang-loob ng mga Pinoy sa Hawaii
INALALA ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang kabutihan at kagandahang-loob ng mga Filipino at mga tao sa Hawaii sa kanyang pamilya noong 1986. “I wouldn’t be here were if not for the compassion and kindness of our kababayans in Hawaii who gave us food and clothes when we arrived because we had […]