• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Duterte, sa puwet magpapabakuna

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque, pinal na ang hindi pagsasapubliko nang pagpapabakuna ng Pangulo dahil hindi siya sa braso tuturukan.

 

 

“I think so (gagawing pribado), he has said so. Sabi nga niya dahil sa puwet siya magpapasaksak so hindi pupuwedeng public,” ani Roque.

 

 

Nauna rito, mismong si vaccine czar at National Task Force COVID -19 chief implementer Carlito Galvez Jr. ang humiling sa Pangulo na tumulong sa kampanya upang mas tumaas ang tiwala ng publiko sa bakuna.

 

 

“Ito po ang medyo may problema po tayo na tala­gang dapat po pagtulungan po natin. Alam po namin na malaki po ang maitutulong ng ating Mayor, Presidente, Mr. President, kasi po talagang bumababa po ‘yung willingness at saka ‘yung uptake ng ating mga kababayan dahil nga po sa mga tinatawag nating mga nakikitang mga adverse effect ng certain brands,” ani Galvez.

 

 

Ayon pa kay Galvez, malakas sa social media ang mga anti-vaxxers o kontra sa bakuna.

 

 

Sinabi naman ni Roque na mahalaga ang papel ng Pangulo sa communication plan at mismong ang Pangulo pa ang endorser ng mask, hugas, iwas.

 

 

Matatandaan na unang sinabi ni Duterte na isasapubliko ang kanyang pagpapabakuna na imposible nang mangyari kung sa puwet ito tuturukan.

Other News
  • Paglaban sa pandemyang bitbit ng Covid-19 at paano makababawi mula rito, bibigyang diin ni PDu30

    BINIGYANG diin ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte ang pananaw nito sa pagsisikap na labanan ang coronavirus pandemic at kung paano makakabawi mula rito sa idinaos na virtual international conference kahapon Biyernes, Mayo 21.   Ang Pangulo ay nagbigay ng kanyang talumpati sa 26th International Conference on the Future of Asia, o mas kilala bilang Nikkei […]

  • PBBM, nasa Thailand para lumahok sa APEC

    ILANG  araw lamang matapos bumalik sa bansa, bumiyahe na  si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para lumahok sa ika-29 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa Thailand.     Sa kanyang departure statement sa Villamor Air Base, nangako si Marcos na dadalhin niya ang pag-asa at adhikain ng bansa para sa isang mapayapa at […]

  • Ads April 12, 2021