• July 25, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

PBBM, nasa Thailand para lumahok sa APEC

ILANG  araw lamang matapos bumalik sa bansa, bumiyahe na  si Pangulong Ferdinand Marcos Jr. para lumahok sa ika-29 Asia-Pacific Economic Cooperation (APEC) Economic Leaders’ Meeting (AELM) sa Thailand.

 

 

Sa kanyang departure statement sa Villamor Air Base, nangako si Marcos na dadalhin niya ang pag-asa at adhikain ng bansa para sa isang mapayapa at maunlad na rehiyon ng Asia-Pacific.

 

 

Sinabi ng Pangulo na layunin niyang i-unlock ang economic potential, i-digitalize ang partisipasyon ng bansa sa digital economy, at sustainable development, gayundin ang pagtugon sa climate change crisis, at iba pa.

 

 

“Ang dala natin sa ganitong mga summit at mga meeting [ay] ang ating mga pangarap,” ani Marcos.

 

 

Inaasahang makikipagkita ang Pangulo at Unang Ginang Louise Araneta-Marcos kay King Maha Vajiralongkorn Phra Vajiraklaochaoyuhua at Queen Suthida Bajrasudhabimalalakshana.

 

 

Makikipagpulong din si Marcos sa mga pinuno ng negosyanteng Thai sa sideline ng APEC upang imbitahan sila na mamuhunan sa bansa at talakayin ang agenda sa ekonomiya ng administrasyon.

 

 

Makikipagpulong din ang Pangulo sa Filipino community sa Thailand.

 

 

Sinabi rin ni Marcos na ang APEC ay nananatiling isa sa mga pangunahing “platforms” ng Pilipinas sa pakikipag-ugnayan sa mga ekonomiya sa rehiyon ng Asia-Pacific.

 

 

Bago ang biyahe sa Thailand, dumalo si Marcos sa ASEAN Summits at Related Summits sa Cambodia  mula Nobyembe 10 hanggang 13.

 

 

Makikipag-ugnayan ang Pangulo sa iba pang mga lider kung paano haharapin ang food and energy security at ang economic inclusion ng micro, small, and medium enterprises (MSMEs) ng bansa. (Daris Jose)

Other News
  • Death penalty iraratsada ng Kamara

    Iraratsada na ng Kamara ang panukalang ibalik ang death penalty sa pamamagitan ng lethal injection laban sa mga convicted drug traffickers sa bansa.   “The House of Representatives is ready to stand up to the task and pass the priority bills outlined by President Rodrigo “Rody” Duterte in his fifth State of the Nation Address […]

  • LTFRB didinggin ang petisyon ng transport groups

    ITINAKDA ng Land Transportation and Franchising Regulatory Board (LTFRB) sa September 26 ang pagdinig ng petisyon na inihain ng transport groups para sa P5 na taas pasahe bilang minimum fare.     Kasama sa didinggin sa petisyon ang provisional adjustment na P1 sa gitna ng patuloy na pagtaas ng presyo ng produktong krudo sa merkado. […]

  • Panukala na nagbabawal sa karera sa mga pampublikong lansangan aprubado

    INAPRUBAHAN na ng House Committee on Transportation sa Kamara ang House Bill 3391 o ang panukalang “Drag Racing Ban Act” na inihain ni Quezon City Rep. Precious Hipolito-Castelo.   Layon ng panukala na ipagbawal ang karera ng mga sasakyan sa mga pampublikong lansangan at patawan ng mabigat na parusa ang mga lalabag dito.   Inaayos […]