Dynamic Learning Program, ilulunsad para sa mga klaseng nakakansela dahil sa bagyo -DepEd
- Published on November 7, 2024
- by @peoplesbalita
INANUNSYO ng Department of Education (DepEd) na ilalabas ngayong buwan ang kanilang bagong programa na Dynamic Learning Program (DLP). Naglalayon itong maiwasan ang pagkawala ng pagkatuto ng mga estudyante dahil na rin sa mga sunod-sunod na pagkakansela ng mga klase dahil sa mga bagyo.
Ang Dynamic Learning Program (DLP) ay magbibigay sa mga paaralan ng flexibility para sa mga gagawing make-up classes. Gagamit din ang programa na ito ng mga simpleng activity sheets.
Ang pagkakaroon ng parallel classes, activity-based engagements, at learners’ portfolios na may kakaunting homework loads ang tataglayin ng naturang programa.
Dagdag pa ng ahensya na nais nila itong simulan sa mga paaralan ng Ilocos, Cagayan Valley, Central Luzon, Calabarzon, Bicol, at Cordillera Administrative Region (CAR) dahil sa mga nagdaang bagyo, ang mga lugar na ito ang lubhang naapektuhan pagdating sa pagkakansela ng mga klase. ( Daris Jose)
-
3 nalambat sa buy bust sa Caloocan at Valenzuela
Kulong ang tatlong hinihinalang drug pushers matapos makuhanan ng halos P.2 milyon halaga ng shabu sa magkahiwalay na buy bust operation ng pulisya sa Caloocan at Valenzuela cities. Ayon kay Caloocan police chief Col. Samuel Mina Jr, nakatanggap ng impormasyon ang mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) hinggil sa umano’y ilegal […]
-
Nag-file na ng custody para kay Malia: POKWANG, may hanash sa bagong karelasyon ni LEE
MADALING ma-get ng kahit sino na ang tila pinatutungkulan ni Pokwang sa mga sunod-sunod niyang post sa social media ay ang ex-partner at ama ng anak na si Tisay o si Malia O’Brian na si Lee O’Brian. Bigla na lang kasi na parang ngayon lumalabas ang mga emosyon o dala-dala ni Pokwang sa ama ng […]
-
Kinumpirma ng may-ari ng TV5: TVJ at Dabarkads, opisyal na ang paglipat sa Kapatid Network
OPISYAL na nga ang paglipat nina Tito Sotto, Vic Sotto at Joey de Leon at ng iba pang original hosts ng “Eat Bulaga” sa bago nila tahanan, ang TV5. Kinumpirma ito ng MediaQuest President and CEO na si Jane Basas kahapon, Miyerkules, June 7 sa pamamagitan ng isang official statement. Kaya […]