• January 21, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

E-sabong isama sa mga illegal gambling – PNP

NAIS ni Philippine National Police (PNP) chief Gen. Rodolfo Azurin, Jr. na isama ang e-sabong sa listahan ng mga illegal gambling sa bansa.

 

 

Ayon kay Azurin, inirekomenda ng Anti Cybercrime Group sa Kongreso ang pagsasama ng e-sabong sa ilegal na sugal na may parusa sa ilalim ng Presidential Decree 1602.

 

 

Sinabi ni Azurin na  dapat na mabigyan ng kaukulang parusa ang mga service providers na hindi magba-block ng e-sabong websites.

 

 

Ipinaliwanag pa nito na, kailangang naka-block ang website ng e-sabong at hindi lamang tatanggalin ang website dahil maaari pa rin itong ma-access bunsod ng  teknolohiya.

 

 

Nakikipag-ugnayan na rin umanop sila sa Department of Information and Communications Technology(DICT) at National Telecommunications Commission (NTC) upang masugpo ang e-sabong partikular ang mga e-sabong operators.

 

 

Nakaraang taon nang suspindihin ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr., sa pamamagitan ng isang in Executive Order (EO) 9 ang  online sabong sa buong bansa.

Other News
  • NUMERO sa COVID19, IPALIWANAG NANG MALAMAN ang KATOTOHANAN

    Naglabas ng bagong numero ang Department of Health para sa date  na Abril 18, 2021, tungkol sa COVID 19:     New cases    –           10, 098 Death            –           150         RECOVERED –          72, 607     Sa kabuuan, ang kaso ng COVID 19 sa Pilipinas ay 936,133.   Pero 779,084 dito ay gumaling at ang namatay ay 15,960.  Kung ganun […]

  • Ads November 30, 2023

  • Pansamantalang rice tariff cut na 0-10%, no toll hikes para sa agri-trucks, ipinanukala ng DoF

    NAGPANUKALA  ang Department of Finance (DOF) ng ilang hakbang sa gitna ng  pagpapatatag sa presyo ng bigas.     Isa itong sitwasyon para mapilitan ang pamahalaan na magpatupad ng  “unprecedented price control” sa nasabing produkto.     Sinabi ni Finance Secretary Benjamin Diokno, kailangan na i-adopt ng gobyerno ang isang comprehensive approach para makatulong na […]