• July 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

NUMERO sa COVID19, IPALIWANAG NANG MALAMAN ang KATOTOHANAN

Naglabas ng bagong numero ang Department of Health para sa date  na Abril 18, 2021, tungkol sa COVID 19:

 

 

New cases    –           10, 098

Death            –           150        

RECOVERED –          72, 607

 

 

Sa kabuuan, ang kaso ng COVID 19 sa Pilipinas ay 936,133.   Pero 779,084 dito ay gumaling at ang namatay ay 15,960.  Kung ganun karami ang gumagaling sa COVID19 ano ang naging lunas nila? Paano gumaling? Ilan sa mga ito ang na ospital at napagaling doon at ilan naman ay nag self-medication at uminom ng mga alternatibong medisina? Hindi naman lahat ng 779,084 ay sa ospital gumaling.   Ayon sa pamahalaan, isang dahilan kaya bumabalik tayo sa ECQ ay dahil awas na ang pasyente sa mga ospital kaya hindi na kaya ng bed capacity ng mga ospital. Kung ganun mahalaga na malaman kung ano ang ginawa ng 779,084 para talunin nila ang covid 19.  Ilan ba ang mild o asymptomatic sa mga ito at ilan yung severe na gumaling.  Mahalagang malaman ng mga tao ito para hindi umasa lamang sa ospital.  Kung malalaman ang epektibong self-medication, malaking tulong sa naghihingalong health care system natin.  Punta naman tayo sa deaths – ang total ay 15,910. Wala pang dalawang porsyento ito ng kabuuang kaso.   At kung paniniwalaan ang maraming reklamo laban sa ilang doktor at hospital – pinamimili ang pamilya ng namatayan kung ok lang na ilagay na cause of death ay COVID19 – malamang mas mababa ang bilang nito.  Ilan sa mga nasawi ang talagang may malubhang karamdaman o inatake dahil sa takot na nag positive o dahil na rin sa katandaan.  Dapat malaman ito upang extra ingat ang mga seniors at may mga malubhang karamdaman. Hindi lang bilang ang dapat natin malaman kundi kung ano ang istorya sa bawat bilang. Kung malalaman natin ito at mapapabilis ang pagbabakuna ay tatalunin natin ang COVID19 ng hindi nasisira ang economic life ng mga tao. Marami ang nawalan ng trabaho. Nagkautangutang na ang gobyerno at tila nagtatalu-talo na ang mga experto at pulitiko.  TAMANG IMPORMASYON ang kailangan. Hindi pananakot. Hindi panggigipit. Maraming bansa ang nakabangon na sa problemang dulot ng COVID19.  At maging sa mga bansang yun ay marami rin ang pasaway. Pero nanaig sila dahil pinatutupad nila ang polisiya at yung sapat lang para talunin ang virus at inalagaan pa rin nila ang kabuhayan ng mga tao.  Mahirap balansehin yan kung walang sapat na pag-aaral sa problema.  Kaya ang apela po naming sa Lawyers for Commuters Safety and Protection (LCSP) malaman po natin ang lunas na ginawa ng malaking bilang na 779, 084 recoveries at alamin natin ang tunay na cause of death ng 15,960. (Atty. Ariel Enrile-Inton)

Other News
  • Hirit na pagbuwag sa IATF, hindi maituturing na constructive criticism -Malakanyang

    POLITIKA ang nangingibabaw na motibo para sa panawagang buwagin ang Inter-Agency Task Force (IATF).   Hindi kasi makita ng Malakanyang na isang constructive criticism ang panawagang buwagin ang IATF.   Kumbinsido si Presidential Spokesperson Harry Roque na pamumulitika ito lalo pa’t ang mga nananawagan at patuloy na pumupuna sa Task Force ay may kani- kanya […]

  • Arrest warrant vs Quiboloy, pirmado na ng House

    NAKATAKDA  nang isilbi ngayong linggo ang warrant of arrest laban sa kontro­bersiyal na si Kingdom of Jesus Christ (KOJC) founder Apollo Quiboloy. Ito’y matapos na malagdaan ng House Executives sa pangunguna ni House Committee on Legislative Franchise Chairman at Parañaque City Rep. Gus Tambunting ang warrant of arrest. Una rito, pinatawan ng contempt ng komite […]

  • Ads October 14, 2022