• July 13, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

E-Scooter ordinance ipatutupad sa Valenzuela

IPAPATUPAD na sa Valenzuela City ang isang ordinansa na pumapayag sa mga e-scooters na dumaan sa lahat ng mga kalsada, kalye at eskinita sa lungsod maliban sa kahabaan ng MacArthur Highway.

 

Ito’y matapos aprubahan ang Ordinance No. 811, Series of 2020 o “2020 E-Scooter Ordinance of Valenzuela City” ng 8 th City Council sa ginanap na 14 th Special Session sa Valenzuela City Session Hall.

 

Ayon kay Mayor Rex Gatchalian, itinakda sa ordinansa na lahat ng sumasakay ng e-scooter ay dapat palaging may suot na helmet. Hinihikayat din ang pagsuot ng knee pads, wrist pads at elbow pads.

 

Nakasaad din sa ordinansa na tanging mga 17 taong gulang pataas lamang ang maaaring magmaneho ng e-scooter.

 

Ang mga 16 taong gulang pababa ay maaaring payagan bbasta’t gagamitin ang e-scooter sa sariling pribadong ari-arian o compound at may gabay ng kanilang mga magulan. Ang sinumang lumabag sa ordenansa ay pagmumultahin ng P500.00 o 24 oras na community service. (Richard Mesa)

Other News
  • JANINE at RAYVER, kumpirmadong hiwalay na at walang ‘third party’; aabangan kung madi-develop kina PAULO at JULIE ANNE

    NAKALULUNGKOT naman na totoo at kumpirmadong hiwalay na sina Janine Gutierrez at Rayver Cruz.     Ayon sa lumabas na balita, isang buwan na raw na magkahiwalay sina Janine at Rayver, na ang rason ay nawalan ng oras sa isa’t-isa, pero wala naman tinuturong third party sa break-up ng magkasintahan.     At dahil na sa kaganapan sa […]

  • Ads April 12, 2024

  • Sa pagpirma ng 9-picture sa Viva Films: ANNE, pangarap na makatrabaho ni Direk PHIL sa isang horror film

    PUMIRMA ng 9-picture sa Viva si Phil Giordano, ang director ng Vivamax movie na “Pabuya” na pinagbibidahan ni Diego Loyzaga. Sa isang chikahan over lunch with Direk Phil, nalaman namin na bata pa lang siya ay gusto na niyang maging director. Dahil he’s an only child, inaaliw niya ang kanyang sarili by writing out stories […]