• December 19, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eaglets skipper tumawid sa Adamson

NADAGDAGAN  ng pambato ngayon ang Adamson University nang lumipat ang team captain sa Ateneo High School na si Joaquin Jaymalin.

 

Tinanggap ng Soaring Falcons ang 6-foot-1 forward ng Blue Eaglets sa University Athletic Association of the Philippines (UAAP) juniors basketball division.

 

Sa huling paglalaro ng 18-anyos na shooter sa Season 82 ng liga, nagposte si Jaymalin ng 6.2 points, 3.5 rebounds at 1.1 assists kung saan nabingwit ng Blue Eaglets ang tersera puwestong tropeo.

 

Siguradong dagdag lakas sa Adamson na biningwit din sina 6-2  Jhon Calisay at 6-4 RV Yanes ng Technological Institute of the Philippines.

 

Pero wala pang katiyakan ang susunod na UAAP men’s basketball wars dahil sa COVID-19. (REC)

Other News
  • Pagpatay ‘di polisiya sa ‘war on drugs’ campaign ng PNP – Eleazar

    Tiniyak ng pamunuan ng Philippine National Police (PNP) na wala sa kanilang polisiya na patayin ang mga mahuhuling drug suspek sa mga ikinakasang anti-illegal drug operation.     Reaksyon ito ng PNP sa pahayag ng Commission on Human Rights (CHR) na nagpapatuloy pa rin umano ang mga patayan sa war on drugs, apat na taon […]

  • BARBIE, ‘di na malilimutan dahil sa wakas nakatrabaho na ang iniidolo na si CHRISTOPHER

    VERY excited na si Kapuso Primetime Princess Barbie Forteza na tuloy na ang airing ng I Can See You: The Lookout.     Isa ito sa bagong episode sa second season ng drama anthology, na dapat ay ipinalabas noong Monday, April 12, pero dahil sa biglaang pagla-lockdown sa National Capital Region (NCR), hindi nila natapos […]

  • Malakanyang, nanawagan sa PhilHealth na bayaran na ang lahat ng hospital claims

    NANAWAGAN ang Malakanyang sa Philippine Health Insurance Corp. (PhilHealth) na bayaran ang lahat ng pagkakautang nito o ang mga claims ng mga pribadong ospital lalo pa’t marami sa mga ito ang nagkokonsidera na putulin ang ugnayan sa state insurer.   Sa katunayan, may tatlong hospital groups na ang nagkokonsidera na kumalas sa PhilHealth matapos na […]