Eala akyat sa world junior girls’ singles No. 2 ranking
- Published on October 15, 2020
- by @peoplesbalita
PUMAILANLANG SA world No. 2 ng International Tennis Federation (ITF) junior girls’ singles ranking ang tennis sensation na si Alexandra ‘Alex’ Eala ng Pilipinas pagkalipas ng 124 th French Open 2020 Final 4 finish sa nakalipas na linggo.
Humakbang ng dalawang ulit kaya buhat sa ikaapat na puwesto, nasa ikalawa na ang 15- anyos na tenista sa nalikom na 2148.75 points.
“Happy with my performance and thank you again for all your support! It has truly been an amazing week!” pahayag ni Eala nitong Lunes ng gabi via Facebook page niya.
Nasa tuktok si Elsa Jacquemot ng France na mayroong 2261.75 pts. Ang 17-anyos ang tumalo kay Eala sa semifinals at nagkampeon sa nasabing torneo. (REC)
-
40-K sundalo idi-deploy ng AFP nationwide para magbigay seguridad
MAHIGIT 40,000 personnel ang ide-deploy ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa buong bansa para tumulong sa pagbibigay seguridad sa araw ng halalan sa May 9,2022 national and local elections. Ayon kay AFP spokesperson Col. Ramon Zagala, ang deployment ng mahigit 40,000 sundalo sa iba’t ibang rehiyon sa bansa ay para imonitor […]
-
Pagbabakuna laban sa Covid-19, hindi kailangang gawing mandatory-Sec. Roque
HINDI kailangang gawing mandatory ang pagpapabakuna laban sa Covid-19. Ito’y sa kabila ng nire-require ng estado ang mga mamamayan na magpabakuna ay hindi naman dapat na gawin itong mandatory lalo pa’t nananatiling mababa ang suplay ng bakuna. “Bilang isang abugado, kabahagi ng police power ng estado ang i-require ang bakuna kung talagang kinakailangan […]
-
Ads December 21, 2021