Eala itutuloy ang astig sa taong 2021
- Published on December 11, 2020
- by @peoplesbalita
MAGPAPAHINGA na muna mula sa mga kompetisyon si Alexandra ‘Alex’ Eala.
Maganda na rin ang taon para sa Pinay tennis sensation, kahit sabihin pang may pandemyang Coronavirus Disease 2019 o Covid-19.
Ito’y dahil sa nagkampeon ang 15-anyos na atleta sa 108th Australian Open 2020 Juniors girls doubles kasama si Indonesian Priska Nugroho bilang fourth seed tandem.
Nakapasok din ang tinedyer na anak ng Southeast Asian Games swimming bronze medalist sa semifinals ng 124th French Open Juniors girls singles, naabot ang career-high International Tennis Federation (ITF) world juniors girls singles no. 2 spot nitong Oktubre 12;
Sumali na rin sa ilang Women’s Tennis Association (WTA) European circuits ang Rafael Nadal Academy tennis scholar at Globe Ambassador upang marating ang professional career-best world No. 1,180 nitong Nobyembre 30.
Pero bumalik na muna ng bansa si Eala ayon sa kanyang ama na si Michael ‘Mike’ nitong Lunes, Disyembre 7 upang dito na gugulin ang kabuuan ng buwan o taon at magdiwang ng Pasko’t Bagong Taon sa piling ng pamilya.
Hinirit pa ng nakatatandang Eala na magbabalik ang anak sa Academy sa unang linggo ng Enero 2021 upang ituloy roon ang pag-aaral at sumali rin agad sa isang women’s pro $15k tournament sa Mallorca, Spain, bago matapos ang nasabing buwan sa pagpapatuloy ng bangis niya sa paghamablos ng raketa.
Kung magbibigay ng parangal sa mga atletang Pinoy at Pinay ang Philippine Sportswriters Asociation (PSA), sigurado ang boto ko sa isa iyo na kabilang ka sa mga awardee Alex. Dahil sa pagiging astig mo at karangalang binigay mo sa Pilipinas.
Habang karangalan ang ibinibigay ni Eala sa ating mga Pinoy, puro kahihiyan naman ang Philippine Tennis Association (PHILTA) na may dalawang taon na yatang suspendido sa ITF. Sana huwag na kayong pasaway riyan. Umayos na kayo.
At dalangin po ng Opensa Depensa ang patuloy na tagumpay mo Alex sa nawa’y talagang normal nang 2021 sa awa ng Diyos. (REC)
-
Ads February 5, 2021
-
BSP gov: Walang dapat ipangamba sa paghina ng piso
WALANG dapat na ipangamba ang publiko sa paghina ng piso kontra dolyar. Ito ang sinabi ni Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) Gov. at incoming Finance Secretary Benjamin Diokno matapos pumalo sa P54.47 ang piso kontra dolyar. Itinuturing kasi na ito ang pinakamahinang halaga nito sa loob ng halos 17 taon. […]
-
Kharkiv, Ukraine inulan ng missile sa Russia
NAGDULOT ng malawakang damyos ang ginawang pag-atake ng Russian forces sa residential areas ng Kharkiv, Ukraine. Sinabi ni regional head ng Kharkiv na si Oleh Synehubov na gumamit ang Russia ng Grad missiles isang artillery system na nakalagay sa truck na kayang pagkawala ng maraming missiles sa nasabing lugar. Tinarget umano […]