• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eala keber maging mukha ng Philippine lawn tennis

WALANG kaba kay Women’s Tennis Association WTA) rookie Alexandra ‘Alex’ Eala ang na maging mukha ng sport sa ‘Pinas sa lalong madaling panahon o maging kasing sikat ni eight-division world champion Emmanuel ‘Manny’ Pacquiao sa men’s professional boxing.

 

 

“I don’t see it as pressure, honestly,” tugon ng 15-anyos, tubong Quezon City at PH lawn tennis sensation kay 2019 Southeast Asian Games gold medalist (men’s doubles) Francis Casey Alcantara sa Tennis Talk stream sa nagdaang Biyernes na napanood ng Opensa Depensa.

 

 

Idinagdag pa ng Globe ambassadress at Rafael Nadal Academy (RNA) scholar, na hindi niya kailangang maging perpekto sa bawat torneong nilalahukan sa kasalukuyan sa Europe at hindi rin niya iniisip na makarating palagi pataas na isa sa rason kaya mabuti ang nagiging mga laban bukod pa kawala niyang dapat na patunayan kaninuman.

 

 

Buhat sa WTA world No. 903 ranking, umakyat ng 140 pataas si Eala na ngayo’y nsa No. 763 makalipas ang lamang professional event na nilaruan sa taong ito, tampok ang kampeonato sa International Tennis Federation (ITF) W15 Manacor tournament first leg sa Spain noong Enero.

 

 

Nakatakdang talupan ng Pinay netter ang ikalawang sunod niyang ITF W25 Manacor pro tourney sa Spain sa linggong ito Miyerkoles, Marso 10 ng gabi.

 

 

Mula sa OD, good luck sa iyo Alex. (REC)

Other News
  • PSC suportado rin ang mga atleta sa Tokyo Paralympics

    Kagaya ng mga national athletes na sasabak sa Olympic Games, makakatanggap din ng parehong suporta ang mga lalahok sa Paralympic Games sa Tokyo, Japan.     Sinabi ni Philippine Sports Commissioner Arnold Agustin na ito ang pinagtibay ng PSC Board para sa kampanya ng mga Paralympians.     “The PSC Board agreed to give the […]

  • Panelo, nag-sorry kay VP Leni

    HUMINGI na ng paumanhin si Chief Presidential Legal Counsel Salvador Panelo kay Vice President Leni Robredo matapos magkomento  sa maling impormasyon na sumakay ang huli sa C-130 aircraft nang dumalaw ito sa Catanduanes noong November 3.   Sa katunayan  ayon kay Sec. Panelo ay naglabas na siya ng apology matapos maberipika ni Defense Secretary Delfin Lorenzana […]

  • Pulis patay sa pamamaril sa Makati

    PATAY ang isang pulis matapos pagbabarilin ng mga hindi pa nakikilalang salaring sakay ng motorsiklo sa Makati City, kahapon ng umaga, Marso 9 Lunes.   Kinilala ni Col. Rogelio Simon, hepe ng Makati police, ang biktima bilang si Maj. Jeffrey Dalson, na nakatalaga sa Camp Crame, ang headquarters ng Philippine National Police.   Nakasakay si […]