• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eala may parangal sa PSA

KABILANG sa talaan ng mga young at promising athlete ng SMC-PSA (Philippine Sportswriters Association) Annual Awards Night ang rising tennis star na si Alexandra Eala.

 

Pasok ang 14-anyos sa 10 atleta na kikilalanin bilang 2019 Tony Siddayao awardees sa nasabing pagtitipon sa Marso 6 sa Centennial Hall ng Manila Hotel.

 

Ipinagkakaloob ang parangal sa mga atletang may 17-taon at pababa na sinunod kay dating Manila Standard sports editor Antonio ‘Tony’ Siddayao na kinokonsiderang Dean ng Philippine sportswriting.

 

Naging malaking puntos sa tennis career ni Eala ang pagsungkit ng Top 10 world junior ranking bago matapos ang 2019, kaya kinonsidera itong Pinoy na atletang may malaking ambag sa Pilipinas.

 

Sinundan pa niya ito ng titulong grand slam matapos manalo sa Australian Open girls doubles tournament kasama ang partner na si Priska Madelyn Nugroho ng Indonesia nitong Enero 2020.

 

Kabilang din sa karangalan sina swimmers Micaela Jasmine Mojdeh at Marc Bryant Dula, bowlers Dale Lazo at Jordan Dinam, karateka Juan Miguel Sebastian, chess Woman FIDE Master Antonella Racasa, powerlifter Jessa Mae Tabuan at nakakatandang kuya ni Alexandra na si Michael Eala.

 

Nakatanggap na rin dati ng katulad na parangal sina chess Grandmaster Wesley So, Eumie Kiefer Ravena, Felix Marcial, Jeron Teng, Markie Alcala, Pauline del Rosario, Aby Arevale, at Maurice Sacho Ilustre sa taunang pagtitipon ng mga sportswriter na pangungunahan ni Manila Bulletin Sports Editor Eriberto S. Talao Jr. at mga handog ng Philippine Sports Commission, MILO, Cignal TV, Philippine Basketball Association, AirAsia at Rain or Shine. (REC)

Other News
  • Militar nag-sorry sa UP alumni na inilistang NPA

    Humingi ng tawad ang isang unit ng Armed Forces of the Philippines (AFP) sa mali-maling impormasyon na inilabas na nagtuturo sa ilang graduates ng Unibersidad ng Pilipinas na diumano’y naging New People’s Army (NPA) member kahit walang katotohanan.     Ika-21 ng Enero, 2021 kasi nang maglabas ang Facebook page na AFP Information Exchange ng […]

  • PBBM, nagpalabas ng EO na nagbibigay umento sa sahod, benepisyo ng mga empleyado ng gobyerno

    NAGPALABAS si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ng Executive Order No. 64, nagbibigay umento sa sahod ng mga manggagawa sa gobyerno at pinahihintulutan ang karagdagang allowance sa government workers. Tinintahan ni Executive Secretary Lucas P. Bersamin, may pahintulot ng Pangulo ang EO 64 noong Agosto 2, 2024. Kagyat itong magiging epektibo sa oras na mailathala […]

  • NAVOTAS NAGBIGAY NG P6K INCENTIVE SA BARANGAY HEALTH WORKERS

    NAGBIGAY ang Lokal na Pamahalaan ng Navotas ng P6,000 service recognition incentive sa lahat ng barangay health workers sa lungsod na patuloy ginagampanan ang kanilang trabaho sa panahon ng pandemic.     Sa ilalim ng City Ordinance 2021-52, 193 Barangay Health Workers (BHW), Barangay Nutrition Scholars (BNS), at mga miyembro ng Barangay Health Emergency Response […]