• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Eala pa-wow sa US NCAA

PATULOY ang pagkinang ni Michael Francis ‘Miko’ Eala para sa Pennsylvania State University men’s tennis team sa Big 10 Conference ng 2021 United States National Collegiate Athletic Association sa University Park Indoor Tennis Center sa nasabing estado.

 

 

Humataw ng kambal na panalo sa men’s singles at doubles ang 18 taong-gulang na Pinoy netter at kuya ni Women’s Tennis Association campaigner/professional player Alexandra ‘Alex’ Eala nitong Linggo, Marso 29 sa pagdemolis ng Nittany Lions sa University of Nebraska, 4-0.

 

 

Pinanood pa ang binata ng mga magulang at ni Alexandra na kakahampas lang sa Miami Open qualifying draw sa nakaraang linggo.

 

 

Iyon ang nagpainspirado sa kanya katambal si fellow PSU rookie Sam Bossem ng Britain nang hakbangan ang Huskers duo nina Albert Sprlak-Puk/Nic Wiedenhorn, 7-5, para sa fourth straight win ng dalawa sa gayung karaming matches bilang magkasangga.

 

 

Tinibag din ni Miko si Brandon Perez, 6-2, 6-4, para sa iakpitong panalo niya sa kabuuan ngayong taon at 4-0 win-loss mark ng paaralan sa balwarte at sinalya sa 0-10 ang NEB.

 

 

Wawaksan ng Nittany Lions ang tatlong asignatura sa teritoryo sa pagkompronta sa No. 16 Ohio State University sa Abril 4. (REC)

Other News
  • Programang pinalawak na serbisyong pangkalusugan para sa mamamayan, damang-dama ng bawat Pilipino inilunsad ng Philhealth

    INILUNSAD ng Philippine Health Insurance Corporation o Philhealth ang programang Pinalawak na Serbisyong Pangkalusugan para sa Mamamayan, Damang-dama ng Bawat Pilipino.     Sa pulong balitaan, sinabi ni Philhealth President Emmanuel Ledesma Jr., layon ng programa na matiyak na ang bawat mamamayan ay makakatanggap ng serbisyong medikal ng walang iniisip na bayarin.     Ayon […]

  • PBBM, uungkatin ang isyu ng South China Sea sa EU-ASEAN Summit

    UUNGKATIN ni Pangulong  Ferdinand Marcos Jr.  ang isyu ng South China Sea sa European Union-Association of Southeast Asian Nations (EU-ASEAN) Business Summit sa Brussels, Belgium sa susunod na linggo.     Sinabi ni Foreign Affairs Assistant Secretary Daniel Espiritu sa pre-departure press briefing sa Malakanyang na kabilang ang South China Sea  sa mahalagang usapin na […]

  • 15K NA MGA COVID19 CONTRACT TRACER HANAP MULI NG DILG

    TATANGGAP muli ang Department of the Interior and Local Governmen (DILG) ng may 15,000 contact tracers  para sa COVID-19 contact-tracing efforts.     Kailangan ngayon ang mga ito lalo na at may bagong UK variant ng COVID19 na nakapasok na sa bansa.     Sa memorandum na nilagdaan ni DILG Officer-in-Charge Bernardo Florece, Jr., inatasan ang DILG […]