• January 5, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Early Valentine’s Day treat nila ang TVC ng TNT: DANIEL at KATHRYN, kaabang-abang ang mga pasabog ngayong 2023

EARLY Valentine’s Day treat para sa KathNiel fans ang pagpapakilala ng value mobile brand TNT kay Daniel ‘DJ’ Padilla bilang bagong endorser nito, kasama ang ‘real and reel life’ partner na si Kathryn Bernardo.

 

 

Binansagang ‘Supreme Idol’ ng kanyang henerasyon dahil sa karisma niya at talento, si DJ ay kasama ni Kathryn sa TVC campaign Doble GIGA+50, ang TNT promo na may mas malaking  8 GB data plus Unli Texts to All Networks, valid for three days, sa halagang P50.

 

 

“I’m happy and grateful to join TNT kasama si Kath. Together, we’re excited to keep the saya and kilig going for our fans and for the millions of TNT subscribers nationwide,” pahayag ni DJ.

 

 

“We’re very excited to have Daniel at finally makumpleto ang KathNiel sa patuloy na lumalaking Tropang TNT. We look forward to collaborating with them to give more saya to Filipinos through our value-packed offers, powered by our stron­gest and widest network, ” sabi naman ni Francis E. Flores, SVP and Head of Consumer Wireless Business-Individual at Smart.

 

 

Ito ang latest project ng Kath­Niel matapos ang hit TV series nilang ‘2 Good 2 Be True’, na kinagiliwan ng maraming fans at naging trending topic sa social media mula Mayo hanggang Nobyembre 2022.

 

 

Ang ‘2 Good 2 Be True’ ay available ngayon sa Netflix, at isa sa mga most-viewed series ng nasabing platform sa Pilipinas na ngayon nga ay mas madali nang mapanood ng fans ang hit series gamit ang Doble GIGA VIdeo+ 50 promo.

 

 

Nang tanungin kung paano nila napapanatili ang saya sa kabila ng sunud-sunod na projects, ‘quality time’ kasama ang mga kaibigan at loved ones ang kanilang parehong tugon.

 

 

“‘Pag free days, I spend time with Kath or eat together with my family and katropa. I also play basketball and golf,” pagbabahagi ni Daniel.

 

 

“I like to treat myself to some “me time” once in a while. Gusto ko sa free days ko pina-pamper ko ‘yung sarili ko, which for me means spending time with my friends and family, and also surrounding myself with people around me who give me happiness. I like to appreciate the people around me and find happiness through them,” say naman ni Kathryn.

 

 

Tungkol naman sa plano nila ngayong 2023…

 

 

 

Tugon ni DJ, “I hope to explore new projects and roles na ‘di ko pa nagagawa. I also hope to be able to perform my music again to a live audience, at sana maging active na ang ‘Johnny Moonlight’ production outfit ko.”

 

 

“For 2023, I just want to continue learning new things. I just finished ‘2 Good 2 Be True’ but I feel like there’s still a lot to be explored for me to improve my craft in acting, and I’m looking forward to trying new things that will challenge me.

 

 

“Second is to protect my peace. As much as possible, I choose my battles and find a way to protect that inner peace,” sagot naman ni Kathryn.

 

 

Ang mga TNT subscriber ay pwedeng mag-stream ng mga kanilang paboritong video content gamit ang Doble GIGA Video+ 50, na may 2 GB open access para sa lahat ng sites and apps, at 2 GB per day para sa mga video apps tulad ng YouTube, iWanTV, Smart LiveStream, at Netflix plus Unli Texts to All Networks, all for 3 days.

 

 

Para naman maging updated sa lahat ng ganap ng social media, pwedeng mag-register sa Doble GIGA Stories+50, na may 2 GB open access para sa lahat ng sites and apps at 2 GB per day sa Facebook, Instagram, TikTok, Twitter at Kumu plus Unli Texts to All Networks, all for 3 days.

 

 

Para mag-register sa Doble GIGA+ promos, maglog-in lang sa GigaLife App o mobile wallets, i-dial ang *123#, o pumunta sa mga suking sari-sari store.

(ROHN ROMULO)

Other News
  • Mahigit 4-K delegates mula sa 40 bansa nakiisa sa 2024 APMCDRR

    PINANGUNAHAN ni Pang. Ferdinand Marcos Jr., ang opening ceremony ng 2024 Asia Pacific Ministerial conference on Disaster Risk Reduction (APMCDRR) sa PICC.     Nasa mahigit 4000 mga participants mula sa 40 na bansa sa mundo ang lumahok sa international events.     Ang APMCDRR ay siyang primary platform ng rehiyon para imonitor, rebyuhin at […]

  • 3 bagong COVID-19 variants pinangangambahan

    TATLONG  bagong va­riants ng COVID-19 na tinatawag na Deltacron o Delmicron, Flurona at IHU ang pinangangambahan ngayon na kumalat makaraang matuklasan sa Europa at Amerika.     Agad namang pinawi kahapon ng Department of Health (DOH) ang pa­ngamba sa mga Pilipino sa pagsasabing wala pa sa Pilipinas ang naturang mga variants.     “Currently, no […]

  • Posibleng ma-damage ang heart at lungs ‘pag ‘di maagapan… KRIS, mas lumala pa at life threatening ang illness niya

    SA recent Instagram post ni Queen of All Media Kris Aquino kinumpirma nito na mas malala at life threatening ang illness niya.     Base ito sa naging resulta ng mga medical test niya sa Amerika, kaya nabahala ang kanyang mga doktor dahil posibleng ma-damage ang heart at lungs niya.     Panimula ni Kris […]