• July 1, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Economic adviser ni ex-PRRD pahaharapin sa P3-B shabu probe ng Kamara

PAHAHARAPIN ng House Committee on Dangerous Drugs sa susunod nitong pagdinig kaugnay ng P3 billion halaga ng shabu na nakumpiska ng otoridad sa Pampanga si Michael Yang, na naging presidential economic adviser ni dating Pangulong Rodrigo.

 

 

Ayon sa chairperson ng komite na si Surigao del Norte Rep. Robert Ace Barbers, lumalabas sa imbestigasyon na ang Empire 999, ang kompanyang may-ari ng warehouse kung saan itinago ang nakumpiskang droga ay pagma-may-ari ng mga Chinese national na mayroon din iba pang maliliit na kompanya kasama ang ilang personalidad na nasangkot din sa anomalya noong nakaraang administrasyon.

 

 

Isa na rito si Lincoln Ong, na nagsilbing interpreter ni Michael Yang sa mga imbestigasyon ng Pharmally scandal.

 

 

Lumabas sa pinakahuling pagdinig nitong Mayo 8 na isa si Ong sa incorporator ng mga kompanyang may kaugnayan sa Empire 999.

 

 

Sa presentasyon ni Public Accounts Chairman Joseph “Caraps” Paduano, lumalabas na may kaugnayan si Michael Yang kay Lincol Ong.

 

 

Upang malinawan ang kaugnayan ng dalawa, nag-mosyon si Public Order Chairman Dan Fernandez na padaluhin si Yang sa susunod na pagdinig.

 

 

Matatandaan na nasungkit ng Pharmally ang bilyong pisong halaga ng kontrata ng PS DBM, na noon ay pinamumunuan ni Christopher Lao, para sa pagbili ng medical supply noong panahon ng pandemiya.

 

 

Sa kabila ng kawalan ng kakayanang pinansyal, sinabi ni Lincoln Ong na nabili ang mga suplay dahil binayaran ito ni Michael Yang.

 

 

Nito lamang nakaraang linggo ay kinasuhan ng Ombudsman ang isa pang mataas na opisyal ng Pharmally at malapit na kaibigan ni Michael Yang kaugnay sa kaso sa Pharmally.

 

 

Lumalabas sa imbestigasyon ng Kamara na karamihan sa mga incorporators ng mga kompanya ay mga Chinese national na nakakuha ng pekeng dokumento upang palabasin na sila ay Pilipino.

 

 

Kaya mula sa usapin ng droga ay naungkat na rin ang banta sa pambansang seguridad dahil nakakabili ng mga ari-arian ang mga indibidwal na ito gamit ang pekeng mga dokumento. (Daris Jose)

Other News
  • PCO flagship paper Philippine Gazette nakikita ang mas malawak na maaabot sa pamamagitan ng bagong printing machine

    KAPUWA INAASAHAN ng Presidential Communications Office (PCO) at Bureau of Communications Services (BCS) na mapalalakas pa nito ang kanilang communications services sa tulong ng ide-deliver na isang unit ng brand-new two color Sakurai Oliver 226SI/SIP para sa printing capability ng bureau. “This brand-new offset will be of great help in expanding the reach of The […]

  • Labis na hinangaan sina Justin, Francine at EJ: ‘Nasa Iyo Ang Panalo’ ng Puregold, panalo sa puso ng mga Filipino netizens

    NGAYONG 2022, minarkahan ng Puregold ang kanilang ika-25 na taon bilang isa sa nangunguna sa Philippine retail landscape.      Upang gunitain ang makabuluhang okasyong ito, inilabas ng Puregold ang “Nasa Iyo ang Panalo” digital ad series sa iba’t-ibang social media platforms nito, kung saan nakakuha na ito ngayon ng higit 43.1 milyon online views. […]

  • MMDA, pinayuhan ang mga supporters na iwasan ang magkalat sa panahon ng campaign rallies

    TINAWAGAN ng pansin ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga supporters ng 2022 election candidates na iwasan ang pagkakalat kapag sumama sa campaign rallies.     “Ini-encourage natin ‘yung mga supporters ng atin pong mga kandidato na iwasan po yung pagkakalat,” ayon kay MMDA officer-in-charge General Manager Romando Artes.     Sinabi ni Artes […]