EDSA @36 hitik sa panawagan vs ‘Marcos return’ sa Malacañang
- Published on February 28, 2022
- by @peoplesbalita
SA DINAMI-RAMI ng mga pagkilos ngayong ika-36 anibersaryo ng EDSA People Power na nagpatalsik sa diktadura ni Ferdinand Marcos Sr., tila ibinubuklod ang karamihan nito sa iisang panawagan — ang pagpigil sa panunumbalik ng mga Marcos sa Palasyo ngayong 2022.
Taong 1986 nang mapaalis sa Malacañang ang dating pangulo matapos ang mga protesta mula ika-22 hanggang ika-25 ng Pebrero, bagay na dumulo sa paglikas ng pamilya Marcos patungong Hawaii sa Estados Unidos.
“Pinatalsik ng mamamayang Pilipino ang pamilyang Marcos upang tapusin ang kanilang paghahari sa ating bayan. Laganap ang paglabag sa karapatang pantao, pagyurak sa demokrasya, at pagnanakaw sa kaban ng yaman ng mga Marcos at kanilang mga kroni,” ayon sa Bayan Muna party-list, Biyernes.
“Hindi na dapat ibalik ang sinuka na ng taumbayan!”
Kasalukuyang kumakandidato sa pagkapangulo si dating Sen. Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr., anak ng dating presidente, habang nangunguna sa mga electoral surveys.
Simula nang ipatupad ng Martial Law ni Marcos mula 1972 hanggang 1983, matatandaang umabot sa 70,000 ang kinulong, 34,000 ang tinorture habang 3,200 naman ang pinatay, ayon sa Amnesty International.
Kasalukuyan ding hawak ng nakatatandang Marcos ang titulong “Greatest robbery of a Government” sa Guiness World Records, matapos niya aniya tangayin ang nasa $5-10 bilyong kaban ng bayan. Hanggang sa ngayon ay sinusubukan pa itong bawiin ng Presidential Commission on Good Government (PCGG).
Bukod sa mga karaniwang protesta, idinaan naman ng ilan sa performances gaya ng impersonations.
Sa ilang litratong ito, makikita kung paano i-impersonate ng mga komedyante at performance artists na sina Willie Nepomuceno at Mae Paner, na mas kilala sa pangalang “Juana Change,” sina Macoy at dating first lady Imelda Marcos — na nabansagan na noon na naglunsad ng isang conjugal dicatorship.
“Apo Ferdie, bumangon muli [sa hukay] para dumalo sa teach-in kaugnay ng Martial Law at diktadurang Marcos kasama si Imeldific,” wika ni Bagong Alyansang Makabayan (BAYAN) secretary-general Renato Reyes Jr.
-
Koleksyon sa MRT 3 fare hindi aabot sa projections
INAASAHAN ng Department of Transportation (DOTr) na hindi aabot ang koleksyon sa pamasahe ng Metro Rail Transit Line 3 (MRT3) para sa mga bayarin kung kaya’t hindi nito mababayaran ang kanilang financial obligations sa operator ng MRT sa ilalim ng build-lease-transfer (BLT) concession agreement nito. “With regard to the BLT agreement, the government will […]
-
2-time world champion at Olympic flag bearer Alex Pullin, patay sa beach sa Australia
Namatay habang nasa spearfishing sa Australia ang two-time world champion snowboarder na si Alex Pullin. Ayon sa mga otoridad, nakita na lamang ang katawan ng 32-anyos na si Pullin sa beach ng Queensland’s Gold Coast na wala ng buhay. Si Pullin na tinatawag ding si “Chumpy” ay nagsilbing flagbearer ng national team ng […]
-
Iglesia ni Cristo (INC), opisyal na inendorso ang BBM-Sara tandem
OPISYAL na ng Iglesia ni Cristo (INC) ang tambalan nina presidential candidate Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at vice presidential bet Sara Duterte-Carpio para sa 2022 national elections. Inanunsiyo Martes, Mayo 3 ng INC ang kanilang susuportahang kandidato para sa dalawang mataas na posisyon sa gobyerno apat na araw bago ang nakatakdang pagtatapos ng […]