Education aid payout, generally smooth
- Published on August 30, 2022
- by @peoplesbalita
“GENERALLY smooth” ang ginawang distribusyon ng educational assistance sa mga estudyanteng benepisaryo sa Department of Social Welfare and Development-designated payout centers na nagpatuloy, araw ng Sabado, Agosto 27 maliban lamang sa mga “isolated hitches” o hadlang sa ilang lugar sa bansa.
Sinabi ni DSWD spokesperson Assistant Secretary Rommel Lopez na “generally smooth” ang nationwide distribution ng educational aid.
Nauna rito, sinabi ni DSWD Secretary Erwin Tulfo na ang cash distribution ay tatapusin sa loob ng anim na Sabado na nagsimula na noong Agosto 20 at magtatapos sa Setyembre 24.
“However, there were some hitches in the process on the second Saturday of the payout,” ayon kay Lopez.
Dahil sa pagdagsa ng tao na karamihan ay walk-ins — sa Boac, Marinduque ay nagdesisyon ang DSWD, Philippine National Police (PNP), at local government unit (LGU) na kanselahin ang payout.
“Gayunpaman, ito ay tinitingnan ng DSWD Central Office na mga isolated places lang naman po, kasi, overall po sa bansa ay maayos po ‘yung pamamahagi ng educational payout na nangyare. So tinitingnan po natin ‘yung mga isolated situation in some places, pero sinisiguro po ng DSWD na aayusin din po natin ‘yung sistema dito po sa mga apektadong lugar,” ayon pa rin kay Lopez.
At dahil sa pagkalito at mahabang pila noong nakaraang Agosto 20 -ang unang anim na Sabado na itinakda para sa payout — nagpasaklolo na ang DSWD Department of the Interior and Local Government (DILG) na mag- request sa LGUs para sa technical assistance. (Daris Jose)
-
MOBILE VACCINATION GUGULONG SA NAVOTAS
MALAPIT nang mag-rollout ng mobile vaccination ang Pamahalaang Lungsod ng Navotas kung saan prayoridad nito ang mga bedridden na residente o ang may mga sakit na hindi makaalis sa kanilang bahay. “Philippine Red Cross has lent us a vaccination bus that will be used to visit and vaccinate Navoteños who are bedridden or […]
-
DAQUIS HINDI NA TINABI ANG SALOOBIN
SOBRANG kaligayahan ang nadama ni Philippine SuperLiga o PSL star Rachel Anne Daquis sa pagbabalik ng 45th Phlipppine Basketball Association o PBA 2020 Philippine Cup eliminations bubble nitong Linggo sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Angeles, Pampanga. Maski batikang mabangis na volleyball player, hindi itinago ng dalaga ang pagiging isa ring basketball […]
-
Civil konstruksyon ng Bulacan airport malapit nang simulan
MINAMADALI na ang land development ng Bulacan Airport upang masimulan na ang civil works sa susunod na taon habang ang Ninoy Aquino International Airport (NAIA) ay sasailalim sa privatization. Samantala, ang San Miguel Aerocity Inc. (SMAI) ay 70 porsiento ng kumpleto ang land development na siyang magiging daan para sa pisikal na konstruksyon […]