• December 4, 2023
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

DAQUIS HINDI NA TINABI ANG SALOOBIN

SOBRANG kaligayahan ang nadama ni Philippine SuperLiga o PSL star Rachel Anne Daquis sa pagbabalik ng 45th Phlipppine Basketball Association o PBA 2020 Philippine Cup eliminations bubble nitong Linggo sa Clark Freeport and Special Economic Zone sa Angeles, Pampanga.

 

Maski batikang mabangis na volleyball player, hindi itinago ng dalaga ang pagiging isa ring basketball fanatic.

 

“Yehey PBA is back!” caption ni Cignal HD Spikers team member kung saan ibinahagi ang kanyang litrato habang nanonood ng professional hoops league.

 

Bukod sa local basketball isang masugid na suki rin ang 32- anyos, 5-10 ang taas na dalaga ng National Basketball Association o o NBA ng USA.

 

Sa katunayan ay kabilang siya sa virtual audience ng 74 th NBA Western Conference Finals 2020 Game 4 ng Los Angeles Lakers kontra Denver Nuggets. (REC)

Other News
  • Miami Heat nakuha ang Game 1 sa pagsisimula ng NBA semifinals vs Phildelphia Sixers

    NAKUHA ng Miami Heat ang unang panalo sa Game 1 matapos na itumba ang Philadelphia Sixers sa score na 106-92 sa simula ng Eastern Conference semifinal series.     Nanguna sa diskarte ng Miami si Tyler Herro na kumamada ng 25 points at si Bam Adebayo na nagtala ng 24 points at 12 rebounds.   […]

  • Ads July 8, 2022

  • Mga pasaherong sumasakay sa EDSA Busway noong 2021 umabot na sa mahigit 47 million – DOTr

    UMABOT sa 47,104,197 ang bilang ng mga pasaherong naitala na sumasakay noong taong 2021 sa EDSA Busway na mas kilala rin bilang EDSA Carousel.     Batay sa datos ng Land Transportation Franchising and Regulatory Board (LTFRB), nasa mahigit 2 million na mga commuter ang kanilang naitatala sa unang tatlong buwan ng taong 2021.   […]