Edukasyon, kalusugan ng katutubong Pinoy tututukan
- Published on March 6, 2025
- by Peoples Balita
TINIYAK ng Pinoy Ako Partylist na isusulong ang karapatan ng mga “indigenous people”.
Ayon sa Pinoy Ako Partylist, mayorya ng mga naninirahan sa Cordillera Region na pawang Indigenous Filipinos ay maaaring makaranas ng diskriminasyon dahil sa hindi patas na edukasyon.
May ilang katutubo rin ang napipilitan na lamang na hindi na ipaglaban ang kanilang karapatan dahil sa hamon sa mga buhay partikular ang kahirapan.
Layunin ng Pinoy Ako Party-List na magkaroon ng P600 milyon na pondo para sa mga proyektong isusulong sa Pampanga upang matulungan ang Indigenous peoples sa kanilang ancestral domain na tinatayang may lawak na 6,800 hectares. Nakapagsagawa din ang naturang grupo ng medical missions sa malalayong indigenous communities sa Mindanao at sa Buscalan para masigurong natutugunan ang kanilang pangangailangan sa kalusugan.
Nais din ng Pinoy Ako Party-List na magkaroon ng bangko na para sa mga Indigenous Filipinos para mahikayat silang makapag-impok at maturuan sa pananalapi. Gayundin ang pagkakaroon ng Native Filipino University na mag-aalok ng oportunidad sa mga kabataang katutubo para sa higher education.
-
Hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa
AMINADO ang Malakanyang na hindi pa tuluyang napupuksa ang korapsyon sa bansa sa kabila ng patuloy na pagsisikap ni Pangulong Rodrigo Roa Duterte na pigilan ang problemang ito ng pamahalaan. Ayon kay Presidential Spokesman Harry Roque, tanggap ng kasalukuyang administrasyon ang papaitaas na laban sa korapsyon. Dahil dito, binibigyan lamang ni Sec. Roque […]
-
‘Pastillas Scheme’, paiimbestigahan ng Immigration
IPINAUBAYA na ng Malakanyang kay Bureau o Immigration commissioner Jaime Morente ang responsibilidad na alamin ang katotohanan sa sumbong sa senado na diumano, may umiiral na Pastillas scheme sa immigration sa airport. Lumabas kasi sa pagdinig ng senado na diumano, ang mga Chinese national na pawang mga pogo worker ay binibigyan ng special treatment […]
-
Magaling, generous at down-to-earth: JENNYLYN, hinangaan nang husto ni SAMANTHA
VIRAL sina Jak Roberto at Celeste Cortesi! As in trending at kinaaaliwan ng napakarami ang Tiktok video ng Miss Universe Philippines 2022 at ‘The Missing Husband’ actor. Imagine, mahigit 3.9 million na ang views ng video nina Celeste at Jak?! Naka-post ang naturang dance video ng dalawa sa Tiktok […]