• June 14, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

‘Pastillas Scheme’, paiimbestigahan ng Immigration

IPINAUBAYA na ng Malakanyang kay Bureau o Immigration commissioner Jaime Morente ang responsibilidad na alamin ang katotohanan sa sumbong sa senado na diumano, may umiiral na Pastillas scheme sa immigration sa airport.

 

Lumabas kasi sa pagdinig ng senado na diumano, ang mga Chinese national na pawang mga pogo worker ay binibigyan ng special treatment ng bid personnel kapag dumarating sa paliparan ng bansa, kapalit nito ay ang pakimkim o halagang 10 libong pisong nakabilot sa papel na tila pastillas.

 

Ayon kay Presidential spokesperson Salvador Panelo na dapat ay hindi lamang ang regular na trabaho ni commissioner Morente ang ginagawa nito, kundi dapat ay inaalam din nito ang mga sumbong ng anomalya o iregularidad sa kanyang mga nasasakupan.

 

Walang pwedeng gawin sa ngayon ang palasyo hinggil dito dahil wala namang reklamong idinudulog sa kanila.
Kailangan kasing may basehan munang panghawakan ang palasyo bago sila mag imbestiga.

 

Nakatitiyak naman si Panelo na malamang ay pinagpaliwanag na ni justice secretary Menardo Guevarra si commissioner Morente hinggil sa bagay na ito.

 

Hindi naman masiguro ni Panelo kung ang mga report ng iregularidad sa bureau of immigration sa airport ay nakarating na sa Pangulo.

 

Pero sa ngayon, sinabi ni panelo na wala namang sinasabi pa si pangulong Rodrigo Duterte na wala na itong tiwala kay Morente. (Daris Jose)

Other News
  • ‘Yakapin nyo naman nanay nyo para sa akin’: BEA, sobrang grateful na i-share ang bonding moment with her mom

    MULA sa kanyang Beati Firma farm sa Zambales kunsaan, naka-base na ang ina niya at siyang nangangalaga ng kanyang napakalaki at napakagandang farm, kasama ni Bea ngayon sa Madrid, Spain ang Mommy Mary Anne Ronollo niya.   Bukod sa mommy ni Bea, kasama rin nilang nagbabakasyon ang asawa ng kanyang ina.  At base sa mga pictures […]

  • PBBM tiniyak may sapat na suplay ng bigas sa kabila ng nararanasang El Niño

    TINIYAK  ni Pang. Ferdinand Marcos Jr na mayroong sapat na suplay ng bigas ang bansa sa kabila ng nararanasang El Nino o tagtuyot.     Sinabi ng Pangulo na walang dapat i-pangamba ang publiko na kapusin ang suplay ng bigas at mga pagkain.     Sa ambush interview sa Occidental Mindoro, sinabi ni Pang. Marcos […]

  • Schedule ng PH rollout sa COVID-19 vaccine ng Sinovac

    Nakalatag na ang pagsisimula ng COVID-19 vaccine rollout sa Pilipinas, kasunod ng naka-schedule na pagdating ngayong araw ng 600,000 doses ng CoronaVac vaccine ng Chinese company na Sinovac.     Ayon sa Philippine Information Agency (PIA), magkakaroon ng “symbolic vaccination” bukas, March 1, sa ilang COVID-19 referral hospitals sa Metro Manila.     Magiging simultaneous […]