• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

Efficacy rate ng Sinovac at SinoPharm, pasok sa benchmark ng WHO- Malakanyang

PASOK sa benchmark ng World Health Organization (WHO) ang Sinovac at SinoPharm kasunod nang agam agam na mababa ang efficacy rate ng mga bakuna na galing China sa kabila ng mahal nitong presyo.

Ayon kay Presidential Spokesperson Harry Roque na hindi naman totoong mababa ang efficacy rate ng Sinovac at SinoPharm dahil ang 50%efficacy rate ay benchmark lamang ng WHO at base sa ilang pag aaral ng Chinese experts ay nasa 90% ang efficacy rate ng mga nabanggit na bakuna.

Aniya, normal lang sa ngayon na maglaban laban o siraan ang mga vaccine manufacturers dahil kita nila ang nakasalalay dito.

Nilinaw ni Sec. Roque na kukuha ang bansa ng bakuna kung saan mang bansa ito available.

Sa kasalukuyan, tanging ang China lamang ang makapag garantiya na mabibigyan tayo ng bakuna sa unang quarter ng 2021 dahil ang mga bakuna mula sa western countries ay darating pagsapit ng 2nd o 3rd quarter pa ng 2021.

Binigyang diin pa nito na ang mga bakuna na itinurok sa ilang sundalo na galing China ay libre o idinote lamang kung kaya’t hindi totoong mahal ang presyo ng mga bakuna na galing Tsina. (Daris Jose)

Other News
  • Bagong Pilipinas walang ‘hidden agenda’-PBBM

    KASABAY  nang pormal na paglulunsad ng “Bagong Pilipinas,” sa Quirino Grandstand sa Maynila, nilinaw ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. na walang “hidden agenda” sa nasabing kampanya at hindi rin ito isang bagong partidong pulitikal.     Sa kanyang mensahe sa kick-off rally ng “Bagong Pilipinas” campaign, sinabi ni Marcos na para maibalik muli ang tiwala […]

  • Pigaan ng utak sa Tarlac chess, sisiklab

    MAGPAPASIKLABAN ngayong araw (Sabado, Pebrero 29) ang mga woodpusher sa Tarlac City Chess Club Inc. Open Invitational Chess Tournament at sa 2200 And Below Rapid Chess Championship sa Brgy. Sto Cristo Gym sa Tarlac City.   Suportado nina TCCCI president Arnold Soliman, sportsman Jesus Tayag, ABC president Winston Torres at New York-based Rainier Labay ang […]

  • Pagpapakawala ng tubig ng dams dapat kontrolin ng NDRRMC – Año

    Ipinanukala ni Department of the Interior and Local Government (DILG) Secretary Eduardo Año na dapat ang National Disaster Risk Reduction and Management Council (NDRRMC) na lamang ang kailangang magdesisyon sa pag-aapruba sa mga dam kung dapat ba ang mga itong magpakawala ng tubig sa panahon ng kalamidad. Ito ang siyang sinabi ng kalihim sa isang […]