Efren ‘Bata’ Reyes nag-sorry na dahil sa paglabag sa health protocols
- Published on March 18, 2021
- by @peoplesbalita
Nag-sorry na si Billiard legend Efren ‘Bata’ Reyes matapos ang paglabag sa social distancing ng mga nanood sa kaniyang laro sa San Pedro city, Laguna.
Sa kaniyang sulat sa Games and Amusement Board, na lubos itong humihingi ng paumanhin.
Hindi aniya nito kontrolado ang sitwasyon dahil bigla na lamang dumami ang tao noong nalaman na ito ay naglalaro doon sa lugar.
Dagdag pa ng 66-anyos na si Reyes na bago pa man pumayag na maglaro ay hiniling niya sa mga organizers na magpaalam muna sila sa local government unit.
Dahil sa hindi na makontrol ng barangay officials ang mga tao kaya tumawag na lamang sila ng kapulisan.
-
TINANGGAP ni Mayor John Rey Tiangco
TINANGGAP ni Mayor John Rey Tiangco ang mga award na nakamit ng Pamahalaang Lungsod ng Navotas sa 2024 Urban Governance Exemplar Awards ng Department of the Interior and Local Government–National Capital Region (DILG-NCR). Kasama ni Tiangco sina City Planning and Development Officer Engr. Rufino M. Serrano, Navotas DILG OIC Director Jenifer G. Galorport, Dr. […]
-
Bryan, overwhelmed sa special award ng ’The EDDYS’: Movie ni VILMA sa Mentorque, ‘di tiyak kung isasali sa 50th MMFF
MALAKI nga ang posibilidad ng muling paggawa ng pelikula ni Vilma Santos-Recto after ng successful comeback niya sa ‘When I Met You In Tokyo’ na naging bahagi ng 49th Metro Manila Film Festival last year, na kung saan nagbigay sa kanya ng back-to-back best actress awards. Isa nga ito sa napag-usapan sa […]
-
Mayor ISKO, walang sagot sa mga paninira sa kanya ni President DUTERTE kahit obvious na siya ang pinatatamaan
WALANG sagot si Manila Mayor Isko Moreno sa paninira sa kanya ni Presidente Rodrigo Duterte. Kahit na hindi pinangalanan, obvious naman si Mayor Isko pinatatamaan ng occupant ng Malacanang na tinanggalan niya ng power na mag-distribute ng ayuda. Instead ay ipinasa niya sa DILG at DSWD ang function na ito. Disorganized […]