• June 30, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EJ Obiena, nag-courtesy call kay PBBM sa Malakanyang

NAG-COURTESY call  si Filipino Olympian at pole vaulter EJ Obiena  kay  Pangulong  Ferdinand  Marcos, Jr., araw ng Biyernes sa Malakanyang.

 

 

Balik-Pinas si Obiena matapos ang tatlong taon na pamamahinga bago pa magsisimula ang kanyang season sa susunod na taon.

 

 

Pinasalamatan naman ni Pangulong Marcos si Obiena para sa karangalang dinala nito sa bansa.

 

 

“From your president and I think from the rest of the Philippines ay kami ay nagpapasalamat sa lahat ng iyong ginawa, sa dangal na idinala mo sa iyong bansa, I think that is the greatest tribute that you can give, the greatest service as you are athlete now that you can give to our country is to bring honor to the Philippines,” ang wika ni Pangulong Marcos.

 

 

Looking forward naman ang Pangulo na makita si  Obiena sa  2024 Paris Olympics.

 

 

“We look forward to the games in Paris, I hope you do well. if there’s anything that we can do to help you na maging mas maganda ang inyong resulta, at mas maganda maging training, lahat ng ano sabihin ninyo sa akin dahil napakahalaga ng iyong ginagawa,” dagdag na pahayag ng Pangulo.

 

 

Sa ulat, napagwagian ni Obiena ang men’s pole vault gold medal sa Internationales Stabhochsprung-Meeting sa Germany noong Agosto.

 

 

Bago rito, nakakuha rin ng bronze medal ang world No. 3 Filipino pole vaulter sa World Athletics Championships sa Eugene, Oregon, USA.

 

 

Nitong Oktubre 11, iginawad ni House Speaker Martin Romualdez ang kopya ng House Resolution No. 10 na kumikilala sa mga karangalang naibigay ni Obiena para sa Pilipinas

 

 

Sa kabilang dako, sa isang tweet, sinabi naman ni Philippine Sports Commission chair Noli Eala binigyan siya ng Pangulo ng simple at malinaw na tagubilin.

 

 

“He gave very simple, clear instructions – let’s help our athletes because what they do is important to our nation,” ani Eala.

 

 

Samantala, sa mga larawang ibinahagi ng Malakanyang , makikita ang tuwa sa mukha ng Pangulo habang ipinakikita sa kanya ni Obiena ang medalya na nakuha nito sa pagkapanalo sa ilang events na sinalihan nito sa ibang bansa.

 

 

Isinabit din ng pangulo sa leeg ni Obiena ang medalya.

 

 

Sa isa pang larawan ay binigyan ng PSC si Pangulong Marcos ng kulay pulang sports jacket na iniabot ni Eala habang katabi si Obiena.  (Daris Jose)

Other News
  • Ads May 12, 2021

  • COTY contenders, handa ng lumantad

    NAKAHANDA na ang 2020 Luzon Gamecock Breeders Association (LGBA) Cocker of the Year series second leg sa Lunes, Marso 9, sa Pasay City Cockpit.   Inihayag kahapon ni LGBA president Nick Crisostomo, na pagkaraan ng 7-bullstag derby sa Marso 9, 16 at 23, maaaring lumitaw na ang top 10 COTY contenders. Sisiyapol ang ikatlo at […]

  • Dahil sa mahinang internet connection: DIEGO, ‘di nasagot ang isyu tungkol sa pagiging bagong ama

    WALANG nagtagumpay na mapasagot si Diego Loyzaga tungkol sa diumano’y pagkakaroon niya ng anak. Kontrobersyal ang Instagram post ni Diego Loyzaga noong June 8 dahil nag-post siya ng larawan niya na may kalong na baby at ang caption niya sa kanyang IG post ay, “The best birthday gift ever.” Birthday ni Diego, who turned twenty-eight, […]