• April 6, 2025
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

EJ Obiena, pinangunahan ang inagurasyon ng kauna-unahang pole vault pit sa Ilocos Norte

PORMAL nang inilunsad ang pole vault pit sa Ferdinand E. Marcos Stadium dito sa lungsod ng Laoag, lalawigan ng Ilocos Norte.

 

 

 

Pinangunahan mismo ni Olympian Pole Vaulter EJ Obiena at Gov. Matthew Marcos Manotoc ang naturang seremonya.

 

 

Ito ang kauna-unahang naitayong pole vaulting facility na inilunsad ng isang Olympian Pole Vaulter dito sa bansa.

 

 

Ayon sa Olympian pole vaulter na layunin ng pagtatayo ng pasilidad na ito ay para suportohan at sanayin ang mga batang atleta at homegrown talents sa larangan ng pole vaulting.

 

Binigyang-diin niya na ang pasilidad ay magsisilbing mahalagang hakbang upang maging globally competitive ang mga atletang Pilipino sa anumang larangan ng sports.

 

 

Maliban dito, layunin din niyang mag-recruit ng mga batang atleta upang mabigyan sila ng pagkakataong magdala ng karangalan para sa bansang Pilipinas.

 

Ipinaliwanag niya rin kung bakit pinili niyang itayo ang pole vault pit dito sa lalawigan ng Ilocos Norte dahil may potensyal na magtaguyod ng sports ang lalawigan at may mga atleta na may kakayahang maging magaling na pole vaulters pati na rin ang mga interesado na maging coach.

 

Samantala, umaasa si Obiena na magkakaroon ng mga atletang magmumula rito sa Ilocos Norte na hindi lamang sasabak sa Palarong Pambansa kundi pati na rin sa mga international competitions.

Other News
  • 500K hanggang 1 milyong vaccination kada linggo

    TARGET ng pamahalaan na mabakunahan ang 500,000 hanggang isang milyong indibidwal bawat linggo simula sa buwan ng Abril.   Ito’y dahil na rin sa inaasahang pagdating ng mas maraming mga bakuna sa nalalapit na pagsapit ng 2nd quarter.   “So ang targeted vaccination natin by April and May, hinahabol  namin na magkaroon tayo ng 500,000 […]

  • “MADAME WEB” SWINGS TO TOP OF PH BOX OFFICE – P10.4M GROSS BIGGEST FIRST DAY TAKE FOR 2024

    Filipinos love Madame Web!        Madame Web, the first superhero movie with a female lead in Sony’s Spider-Man Universe, is the #1 movie in the Philippines this week, scoring a record-breaking PHP 10,402,829 on its first day. With a Valentine’s Day debut in 326 screens nationwide, the film holds the biggest opening day […]

  • Winner ang experience niya sa ‘BIFF’: ROCCO, pinuri ang Barong Tagalog ng Korean Oppas na naka-bonding sa event

    HINDI man nanalo ang pelikula nilang Motherland, winner pa rin ang experience ng Kapuso actor na si Rocco Nacino sa pagdalo niya sa Busan International Film Festival.   Proud na ipinakita ng aktor ang kaniyang Barong Tagalog na pinuri ng mga Korean Oppa na naka-bonding sa event.   Nagpunta kamakailan si Rocco sa South Korea […]