Ekstensyon ng travel restrictions sa 7 bansa, pinalawig ng IATF
- Published on July 16, 2021
- by @peoplesbalita
INAPRUBAHAN ng Inter-Agency Task Force (IATF) ang ekstensyon ng travel restrictions sa mga bansang India, Pakistan, Bangladesh, Sri Lanka, Nepal, United Arab Emirates at Oman hanggang Hulyo 31, 2021
Partikular na nilagdaan ang IATF Resolution No. 126.
Inatasan din ng IATF technical working group na muling pag-aralan at magbigay sa mga rekomendasyon sa nararapat na testing at quarantine protocols para sa mga byahero ng mga nasabing bansa at iba pang mga lugar na matutukoy na “high risk”.
Matatandaang pinalawig hanggang Hulyo 15 ang travel ban sa pitong bansa bilang bahagi ng pag-iingat na huwag makapasok sa Pilipinas ang Delta variant ng COVID-19.
Ang mga bansa ay India, Pakistan, Nepal, Bangladesh, Sri Lanka, Oman at United Arab Emirates.
Pinaalalahanan naman ni BI Commissioner Jaime Morente ang mga airline companies na huwag nang magtangkang magsakay ng mga pasahero sa naturang mga bansa upang hindi mapatawan ng kaukulang mga parusa sa ilalim ng umiiral na batas.
Sa mga pasahero naman na ‘fully-vaccinated’ na at buhat sa mga bansang binigyan ng ‘green tag’ ng BI, kailangan muna na sumailalim sila sa pitong araw na quarantine sa mga health facility bago makapasok sa bansa. Ang mga hindi pa nababakunahan ay kailangan pa ring sumailalim sa 10-araw na quarantine sa health facility ng bansa. (Daris Jose)
-
QUARANTINE FACILITY SA MGA BARANGAY SA KYUSI NADAGDAGAN
NADAGDAGAN pa ng walo pang quarantine facility sa mga barangay sa Quezon City. Ayon sa LGU, layon nitong mas makapaghatid ng serbisyo sa mga residente sa bawat barangay sa naturang lungsod. Layon din nito na ang mga walang sapat na lugar sa kanilang mga bahay na tinamaan ng COVID-19 ay doon na magpagaling. Nitong nagdaang […]
-
PBBM, patungong Davos para sa misyon na selyuhan ang investments, mag-uwi ng mas maraming hanapbuhay para sa mga Pinoy
LUMIPAD na si Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. patungong Davos, Switzerland, araw ng Linggo para manghikayat at makasungkit ng mas maraming investments sa World Economic Forum (WEF). Layon ng Pangulo na itulak ang kahandaan ng bansa sa mga gampanin sa regional at global expansion plans habang ang bansa ay bumabawi mula sa epekto ng pandemya. […]
-
3 drug suspects timbog sa Caloocan
LAGLAG sa selda ang tatlong hinihinalang drug personalities matapos matimbog sa magkahiwalay na operation ng pulisya sa Caloocan City. Sa kanyang report kay NPD Director P/BGen. Rizalito Gapas, sinabi ni Caloocan police chief P/Col. Ruben Lacuesta na ikinasa ng mga operatiba ng Station Drug Enforcement Unit (SDEU) ang buy bust operation kontra kay […]