• May 27, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

QUARANTINE FACILITY SA MGA BARANGAY SA KYUSI NADAGDAGAN

NADAGDAGAN pa ng walo pang quarantine facility sa mga barangay sa Quezon City.

 

Ayon sa LGU, layon nitong mas makapaghatid ng serbisyo sa mga residente sa bawat barangay sa naturang lungsod. Layon din nito na ang mga walang sapat na lugar sa kanilang mga bahay na tinamaan ng COVID-19  ay doon na magpagaling.

 

Nitong nagdaang linggo, isa-isang binisita ni Mayor Joy Belmonte ang mga bagong bukas na pasilidad.

 

Kabilang sa mga may bagong quarantine facility ngayon  ay ang Barangay Holy Spirit, Barangay Masagana, Barangay Milagrosa, Barangay Dioquino Zobel, Barangay Bagumbuhay, Barangay Duyan Duyan, Barangay Silangan at Barangay Bayanihan. Samantala sa datos ng Kyuis ay nasa 3,089 ang active cases habang 10,635 na ang naka-recover. Habang nasa 10,635 na ang namatay dulot ng COVID-19. Sa kabuuan ay 14, 183 na ang bilang ng natamaan ng naturang virus sa buong Q.C. (RONALDO QUINIO)

Other News
  • Huling-huli ang kiliti ng mga viewers dito at sa ibang bansa: Multi-Genre Director na si GB, muling naka-score ng ‘number one’ content sa Vivamax

    NAKA-SCORE muli ang Multi-Genre Director na si GB Sampedro nang dalawang ‘number one’ content sa Vivamax, ang latest movie niyang ‘Purification’ at ang original series na ‘High (School) On Sex.’     Ang ‘High (School) On Sex’ ay sexy comedy coming-of-age series na pinagbibidahan ni ‘Boy Bastos’ star Wilbert Ross na una niyang naidirek sa […]

  • MADAM INUTZ, nag-alinlangan na i-share ang story sa ‘MMK’ na gagampanan ni DAWN

    PARA sa kanyang first ever TV debut, pagbibidahan ni Dawn Chang ang makulay na buhay ng PBB Kumunity celebrity housemate na si Daisy Lopez, o mas kilala bilang ang viral live seller na si Madam Inutz. Kasama ang batikang aktres na si Susan Africa, Gino Roque, at Pamu Pamorada, mapapanood ang espesyal na two-part Mother’s […]

  • 30% lang ng Pinoys ang gustong magpabakuna

    Nasa 30 porsiyento lang ng populasyon ang gustong magpabakuna laban sa COVID-19 kaya balak ng gobyerno na gawing kondisyon sa mga benepisyaryo ng 4Ps ang pagpapabakuna.     Sinabi ni Presidential Spokesperson Harry Roque na isang malaking hamon sa kanila ang mababang porsiyento ng mga gustong magpabakuna.     “Iyong mga pag-aaral po nagpapakita na […]