• July 3, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

El Niño mararanasan hanggang 1st quarter ng 2024 – PAGASA

ITINAAS na ng PAGASA ang El Niño watch sa bansa makaraang mabanaagan ng ahensiya na magiging mainit ang kundisyon sa klima na mararanasan sa iba’t ibang lugar sa susunod na mga buwan.

 

 

Sa press conference sa Quezon City, sinabi ni Dr. Vicente Malano, PAGASA administrator na 55-percent ang probability na maranasan ng bansa ang El Niño phenomenon na magsisimulang mag-develop sa buwan ng Hulyo, Agosto hanggang Setyembre ngayong taon.

 

 

Batay sa pagtaya ng PAGASA, maaaring magtagal ng hanggang unang quarter ng 2024 ang panahon ng tagtuyot na walang gaanong ulan sa bansa.

 

 

Dahil dito, sinabi ni Malano na ngayon pa lamang ay dapat nang magplano ang mga concerned go­vernment agencies ng mga programa at maghanap ng paraan ang pubiko kung paano ang pagtitipid sa paggamit ng tubig.

 

 

Nitong Martes nang ideklara na ng PAGASA ang summer sa bansa.

Other News
  • Hawaan ng COVID-19 sa NCR bumaba pa sa 0.50 – OCTA

    BUMABA pa sa 0.50 ang reproduction number o hawaan ng COVID-19 sa National Capital Region (NCR).     Ayon sa OCTA Research group, mas bumaba pa ito sa 0.63   reproduction number noong Miyerkules sa rehiyon.     Ang reproduction number na mababa sa bilang na 1 ay nagsasaad na ang hawaan ng COVID-19 ay bumababa […]

  • Triple H inanunsiyo na ang pagreretiro

    INANUNSIYO ni wrestling legend Triple H na ito ay magreretiro na.     Sinabi ng kilalang wrestler o Paul Levesque sa tunay na buhay na nagkaroon ito ng sakit sa puso.     Natuklasan lamang nito ang sakit sa puso noong sumailalim sa check up.     Dinapuan din aniya ito ng viral pneumonia kung […]

  • PBBM hiling mas pinalakas na pagtutulungan ng ASEAN-US

    UMAPELA si Pangulong Bongbong Marcos na mas paigtingin pa ang pagtutulungan sa pagitan ng ASEAN at United States (US) para maharap pa ang mga isyung may kinalaman sa maritime security at transnational crime.     Sa pagsasalita ng Pangulo sa 10th ASEAN-US Summit sa Phnom Penh, Cambodia, iginiit ni Marcos ang patuloy na pagtutulungan ng […]