• December 23, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

El Niño, presyo ng mga bilihin, pangunahing hamon sa 2024 – DA

TINUKOY ni Agriculture Secretary Francisco Tiu Laurel Jr. ang mga problemang El Niño, mabilis na paggalaw ng presyo, at pagnipis ng supply ng pagkain bilang pangunahing hamon sa sektor ng pagsasaka sa susunod na taon.

 

 

Ayon sa kalihim, ang mga naturang problema ang kailangang harapin ng mga magsasaka at mga food producers sa 2024.

 

 

Mayroon aniyang malaking misyon ang bansa sa susunod na taon at ito ay ang tugunan ang mga naturang problema.

 

 

Ayon pa sa kalihim, tutulungan ng DA ang mga magsasaka at magkasamang haharapin ang mga ito.

 

 

Malaki aniya ang maitutulong ng DA upang mapatatag ang presyuhan na mapapakinabangan kapwa ng mga magsasaka at mga consumer.

 

 

Dahil dito ay patuloy din ang apela ng kalihim sa publiko na tumulong sa pagpapatatag sa supply ng pagkain sa bansa, sa likod ng mga nabanggit na hamon.

 

 

Kailangan aniyang tumugon na rin ang mga mamamayan lalo na at ang iba pang mga bansa na laging nagsusupply ng mga pagkain sa mga bansang nangangailangan ay pinipili na ring mag-stockpile ng sarili nilang magagamit dahil sa El Niño at iba pang hamon sa panahon.

 

 

Inihalimbawa ng kalihim ang India na una nang nilimitahan ang volume ng bigas na ipinapa-angkat sa ibang bansa, upang masuportahan ang sarili nitong populasyon. (Daris Jose)

Other News
  • Mga paraan para mapigil ang pagtatapon ng basura sa karagatan, tinalakay

    NAGSASAWA  nitong Lunes ang House committee on Ecology, na pinamumunuan ni Rep. Marlyn Alonte (Biñan City) ng organizational na pulong, at inaprubahan ang Internal Rules of Procedure nito.     Sinabi ni Alonte na ang hurisdiksyon ng komite ay sumasaklaw sa lahat ng mga bagay nang direkta at pangunahing may kaugnayan sa pamamahala ng ecosystem, […]

  • Mental health programs sa mga paaralan, palalakasin ng DepEd

    PLANO ng Department of Education (DepEd) na palakasin pa ang mental health programs sa mga iskul, kasunod na rin ng ilang karahasan na naganap mismo sa loob ng mga paaralan.     Ayon kay DepEd Spokesperson Michael Poa, nais nilang matugunan ang mga naturang problema sa school level pa lamang.     “We can see […]

  • WFH ituloy para tipid gasolina, gastos sa pamasahe

    IGINIIT ni Sen. Sherwin Gatchalian sa mga ahensya ng gobyerno, pati ang mga pribadong kumpanya, na ipagpatuloy ang flexible work arrangement para makatipid sa gasolina at pamasahe at mapabuti ang lagay ng mga empleyado.     Ipinagmalaki ni Gatchalian na itinuloy ng kanyang opisina ang work-from-home arrangement upang makatipid sa gasolina, makaiwas sa masikip na […]