• November 5, 2024
  • Ang Diyaryong Pinagkakatiwalaan

ELIJAH at ADRIANNA, waging Best Actor and Actress sa 2021 Central Boys Love Awards ng Brazil; TONY, ‘Hottie of the Year’

BIG winners sa Brazil’s 2021 Central Boys Love Awards ang mga Pinoy BL series.         

 

Gameboys, ang first Pinoy Boys’ Love series ay nagwagi ng apat na awards: Actor of the Year (Elijah Canlas), Actress of the Year (Adrianna So), Couple of the Year (Cairo and Gavreel) and Cast of the Year.

 

Meanwhile, Gaya Sa Pelikula took home three awards, which are the Best Onscreen Kiss Award (Karl and Vlad), Revelation of the Year (Ian Pangilinan) and Surprise of the Year.

 

Wagi naman si Tony Labrusca ng Hottie of the Year for Hello Stranger. BL of the Year went to Thailand’s own I Told Sunsets About You.   

 

Hiningi naman ang reaction ni Direk Perci Intalan sa latest achievement ng Gameboys and ito ang sagot niya:

 

“We’re so thrilled to see the world recognize how good our performers, storytellers and stories can be! That we’re playing in the same field now as other countries who started in BL earlier means a lot. Congratulations to all the winners and of course, I am personally overjoyed for Elijah, Kokoy, Adrianna and the cast of Gameboys!”                                 

 

Ano naman kaya ang reaction ni Tony Labrusca sa kanyang victory bilang Hottie of the Year? Ano rin kaya ang reaction niya sa video nila ni JC Alcantara na magka-holding hands na lumabas sa Twitter?                            Anyway, marami na ang nag-aabang sa Season 2 ng Gameboys matapos lumabas ang teaser ng programa sa FB page ng The IdeaFirst Company.

 

Siyempre wait din ang Gameboys fanatics sa movie version ng kanilang paboritong BL series.

 

 

***

 

HINDI namin napanood ang world premiere ng Anak ng Macho Dancer kaya hindi kami makasagot sa mga nagtatanong sa amin kung maganda ba ang pelikula.

 

Of course, nababasa namin ang mga comments ng ibang nakapanood na pinupuri ang pelikula at ang performances nina Sean de Guzman at Ricky Gumera. Generally ay maganda naman ang comments ng ibang nakapanood.

 

Mahusay daw ang performance nina Sean at Ricky. Well, good for them. Sana may ibang acting projects pang dumating sa kanilang dalawa.

 

Mayroon din naman akong nabasang comment na hindi naibigan ang pelikula. Well, ganyan talaga. Any movie is subject to criticism.    Sabi nga nila, good or bad publicity is still publicity. Pero naalala ko ang sagot ng isang premyadong aktres kung naniniwala ba siya na bad publicity is still publicity?

 

“Bad publicity is bad publicity. It leaves a bad taste in the mouth,” sagot ng aktres.

 

Pero pwede mo naman gamitin ang bad publicity to your advantage. Kung may natanggap kang bad comment, use it to assess your product and improve on it sa susunod mong pelikula.

 

Ang hinaharap ngayon ni Joed Serrano, ang top honcho ng Godfather Productions, ay ang paghahabol sa mga taong nag-pirate ng movie at pinagkakitaan pa ang Anak ng Macho Dancer through their unscrupulous means.          Nangako si Joed na hindi niya titigilan ang mga namirata ng pelikula hanggang walang napaparusahan sa mga ito.

 

On the other hand, nagkaroon man ng problem sa piracy, naging maingay naman ang pelikula. Pinag-uusapan ng mga tao ang Anak ng Macho Dancer. Mas lalong marami ang naging curious sa pelikula.

 

Damay sa curiosity ng mga tao ang lead star ng movie na si Sean, pati ang kanyang co-stars.   Will Sean and company succeed in their quest for showbiz glory? (RICKY CALDERON)

Other News
  • PBBM, personal na dinalaw ang mga taga-Cam Sur na naapektuhan ng bagyong Kristine

    PERSONAL na kinumusta ni Pangulong Ferdinand R. Marcos Jr. ang mga komunidad na apektado ng Bagyong Kristine sa Bula, Camarines Sur, at kanyang tiniyak ang patuloy na suporta ng pamahalaan hanggang sa kanilang tuluyang pagbangon.       Kasama ang DSWD, namahagi ang Pangulo ng cash assistance at karagdagang food packs para maalalayan ang mga […]

  • OVP, pinanindigan ang pahayag ukol sa ‘rejected’ referrals

    PINANINDIGAN ng Office of the Vice President (OVP) ang sinabi nito na tinanggihan ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang libo-libong referrals mula sa OVP.   Taliwas ito sa sinabi ni DSWD Secretary Rex Gatchalian na may pruweba ito na in-accommodate nila ang ‘requests for assistance’ mula sa tanggapan ni Vice President Sara […]

  • Sa yearly list ng People Asia Magazine: ALFRED, kasama sa pararangalan sa ‘Men Who Matters 2023’

    HANDA na raw ulit si Rita Daniela na bigyan ng second chance ang pag-ibig.       Marami ang nanghinayang sa apat na taong relasyon ni Rita sa ex-boyfriend nito na ama ng kanyang baby boy na si Uno.       Pero matagal na raw na naka-move on ang Kapuso singer-actress at nandun pa […]