ELLEN, priority pa rin ang anak kahit nagbalik-sitcom na; first and only choice ni JOHN
- Published on February 1, 2021
- by @peoplesbalita
BILANG line-producer ng sitcom na John en Ellen for CIGNAL TV, pwedeng mamili si John Estrada kung sino ang gusto niyang partner.
First and only choice ni John si Ellen Adarna although worried baka hindi ito ready magbalik-acting.
“The role is really meant for her but I was afraid that she’s not interested to go back to acting,” sabi ng actor na mahusay sa drama at comedy.
“There’s something about Ellen that fascinates me. She’s a woman with a different character. She’s controversial, yes, but she is more than that. I am glad that I met her. She’s honest and she speaks her mind.”
Miss na raw ni John mag-sitcom kaya laking tuwa niya nang tanggapin ni Ellen ang role bilang asawa niya bagong program ng TV 5.
“I am thankful for the opportunity to do different kinds of projects. I’ve been done comedy and I know it requires an actor to be witty. I cannot say I am good great comedian but I enjoy making people laugh.”
Kahit na tinanggap ni Ellen ang sitcom, hindi pa raw full time ang pagbabalik-acting niya dahil mas importante para sa kanya to spend more time with her son.
Hindi pa raw siya handa to do a drama series at ang pagtanggap niya ng kahit na anong offer ay depende sa kanyang schedule.
“My son is my priority,” sabi ng controversial actress.
***
NAGULAT si Gerard Santos nang malaman na siya ang gaganap na lover ni Claudine Barretto sa comeback film ng aktres sa bakuran ng Borracho Film Productions.
Very thankful ang newly-minted Aliw Entertainer of the Year sa bagong break na ito na dumating sa kanya at inamin naman ni Gerard na gusto rin niya subukan ang pag-arte sa pelikula.
“Ibang experience naman ang movie acting and I am excited pero intimidated dahil si Claudine ang makakatrabaho ko,” pahayag ni Gerard sa presscon cum contract signing ng aktres sa Borracho Film Productions.
Paborito pala si Gerard ni Atty. Ferdie Topacio, ang may-ari ng Borracho Films. Tiyak na si Gerard ang kakanta ng theme song ng comeback film ni Claudine.
Nagbunga rin ang pagtitiyaga ni Gerard dahil malaking bagay ang pagwawagi niya bilang Entertainer of the Year sa Aliw Awards.
Hindi raw niya ito inaasahan pero malugod ang kanyang pasasalamat sa Aliw Awards dahil sa pagkilala sa kanyang mahusay na pagtratrabaho in the field of music.
“I am just overwhelmed and thankful. Hindi ko akalain na mararating ko ang mga ganitong klasing blessings despite the situation. Hindi naman sa pagbubuhat ng sariling bangko pero we were really working very hard. Kung nasaan man po ako ngayon, it is because I worked hard for it,” sabi ni Gerard.
Nasuklian naman daw ang lahat ng kanyang sacrifices at hirap na kanyang pinagdaanan sa kanyang singing career tulad ng multi-awarded musicale na San Pedro Calungsod na siya ang bida.
Bukod sa movie with Claudine, pinaghahandaan din ni Gerard ang bagong musical titled I Wil, na hango sa buhay ni Dr. Willie Ong. Ang pamosong doctor mismo ang pumili kay Gerard to portray himself.
Pero siyempre may ibang dating sa kanya ang movie with Claudine dahil for the first time ay gaganap siya ng isang maselang papel bilang lover ni Claudine at mayroon silang love scene.
Pangako ni Gerard, paghahandaan niya ang aktres at ang kanilang love scene. (RICKY CALDERON)
-
Ads January 11, 2024
-
Fernando, nagpaalala na sundin ang minimum health standards sa patuloy na pagtaas ng mga kaso ng COVID-19
LUNGSOD NG MALOLOS- Muling pinaalalahanan ni Gob. Daniel R. Fernando ang mga Bulakenyo na patuloy na sundin ang minimum health standards sa gitna ng patuloy na pagsipa ng mga kaso ng COVID-19 sa lalawigan sa mga nakalipas na linggo. “Kung maaari po, lagi nating isipin na may virus, mag-ingat at maging maingat po […]
-
PBBM, masayang ibinahagi ang naging kontribusyon para mapapayag ang gobyerno ng Indonesia na pauwiin si Veloso sa Pilipinas
MASAYANG ibinahagi ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr., ang nagawa ng kanyang administrasyon para mapalitan at mapababa ang sentensiya ni Mary Jane Veloso, ang Pilipinang nasa death row ng Indonesia dahil sa drug trafficking. Si Veloso ay nahatulan ng kamatayan sa bansang Indonesia matapos na mahulihan ng 2.6 kilograms ng heroin sa Indonesia noong […]